PINAGTIBAY ng Globe at Facebook ang kanilang pagkakaisa upang maghatid ng internet access sa mas maraming Filipino. Nasa larawan sina (mula kaliwa) Peter Bithos, Globe Senior Advisor for Consumer Business, Mark Zuckerberg, Founder at CEO ng Facebook at Ernest Cu, President at CEO ng Globe sa Menlo Park, California, USA.
Muling pinatunayan ng nangungunang telecommunications company na Globe na sila ang mobile data service provider na tinatangkilik ng mga technology leaders at industry players saan mang panig ng mundo.
Nagsanib-pwersa ang Globe at ang top social networking site na Facebook, na may mahigit 36 milyong subscribers kamakailan, sa pagbibigay ng libreng access sa Facebook gamit ang kanilang mobile phones sa loob ng tatlong buwan nang hindi kinakailangan ng Wi-Fi.
Bukod sa pagbibigay ng zero data charges sa paggamit ng Facebook, ang pagsasama ng dalawang global companies ang nagbigay-daan upang ma-enjoy ng subscribers ang pinakaunang customer experience innovations tulad ng pagiging accessible ng Facebook sa kahit anong mobile platforms, mapa-Facebook app o pagbubukas ng mobile site nitong m.facebook.com, advice ng charge notifications, one-click para sa pagbili ng data plans, at data access lending para ma-access ang links sa labas ng Facebook.
Para makapag-subscribe sa Globe Free Facebook nang libre, i-dial lamang ang *143# at piliin ang Free FB o magtext ng FREEFB sa 8888.