NAPAPABORAN nga ba nang husto ang SM GROUP sa bagong 300 HECTARES reclamation project sa Pasay City?!
Lumutang ang katanungang ito nang tanggihan ng Pasay City local government ang request ng Ayala Land Inc., na bigyan pa sila ng karagdagang panahon para isumite ang kanilang proposal para sa bayside reclamation.
Naniniwala ang Ayala Land na ang kanilang proposal ang hahamon sa proposal ng SM Group.
Sa liham kay Ayala Land corporate secretary Solomon Hermosura dated October 29, sinabi ni Pasay Public Private Partnership selection committee vice chair Atty. Severo Madrona, Jr., ang pagbibigay umano ng palugit sa deadline ay labag sa NEDA joint venture guidelines.
Take note: ‘NO FORMAL BIDDING’ po ang reclamation na ‘yan.
Pero matapang pa na binigyan-diin ni Madrona na, “Much to our regret, we cannot grant your request for extension of time to submit counter-proposal without exposing ourselves to charges of violating or bending the rules to favor your company.”
Naghain ang SM Land Inc., ng proposal na i-reclaim ang 300 hectares ng Manila Bay sa halagang P54.5 bilyones. Nangako ang SM Land na tatapusin nila ang project sa loob ng pitong (7) taon at ibibigay ang 51 percent o 153 hectares sa Pasay government.
Mukhang okey naman daw ang proposal pero ayaw ba ng Pasay government na magkaroon ng ‘OPTION’ sa pamamagitan ng proposal ng Ayala Land?
At ang higit na nakapagtataka umano, kamakalawa ay nagpaikot na raw ng CITY COUNCIL RESOLUTION na ang layunin ay i-AWARD na sa SM Group ang nasabing reclamation project.
Habang umiikot nga raw ang ‘RESOLUTION,’ mayroong mga Konsuhol ‘este’ konsehal na abot-tenga raw ang ngiti … pero mas marami raw ang nagulat at nakaNGANGA…
BUKOL ba?!
Pero ang tanong nga, bakit ba nagmamadali ang Pasay government na i-award ‘yan sa SM Group?!
Totoo nga kaya ang tsismis na isang Pasay city official ang nakapag-ADVANCE ng malaking halaga nitong last election?!
At totoo kaya ang usap-usapan sa Pasay City Hall na malaki ang goodwill money o SOP sa reclamation project na ito?
Magkano ‘este’ ano ba ang dahilan BING LINTIKSON!?
Kaya siguro ALIGAGANG-ALIGAGA na maaprubahan ng ilang tulisan sa city hall ang AWARDING ng reclamation project sa SM Group?!
Just asking lang po…
MGA SANGKOT SA PILFERAGE SA CEBU PACIFIC IMBESTIGAHAN!
KAUGNAY po ng naikolum natin tungkol sa talamak na PILFERAGE sa cargo ng Cebu Pacific Air, mayroon po tayong natanggap na mga pangalan na ayon sa ating SOURCE ay mga ‘matitinik’ na empleyado ng CebuPac.
Ang tatlong matitinik raw ay sina alias CHRISTOPHER RUFINO, JERSON GAGATIN at CHE BONILLO.
Kung bansagan pa nga raw ang tatlong ‘yan ay ‘MATITINIK’ sa ‘ceasarian operation.’
Mr. Lance Gokongwei, kung gusto po ninyong maresolba ang TALAMAK na PILFERAGE at NAKAWAN sa CARGO ng Cebu Pacific, ay mangyaring paimbestigahan mabuti ang tatlong ‘yan.
Huwag na n’yong hintayin na dumami pa ang biktima ng pilferage sa inyong kompanya!
SOBRANG GALANTE PALA NI ERAP
IBANG KLASE pala talaga ang pagka-GALANTE ni korap ‘este mali’ Erap …
Mantakin ninyo kalakip pala ng epal ‘este’ APOLOGY niya sa Hong Kong ay ang US$75,000 na ang katumbas po nito ay HK$40,000.
Ayun, lalo tuloy NAINSULTO ang mga taga-HONG KONG.
Hak hak hak!!!
At ang mangyayari pa pala rito ay ‘FUND RAISING.’
Mangingilak ang isa sa mga AYUDANTE ni ERAP na si Bernie P., ‘este’ Ang ng kontribusyon mula sa federation of Chinese ‘tax evaders.’
‘Yung mga malilikom nila ay ‘yun daw ang ibibigay sa HONG KONG government.
Akala ko pa naman bukal sa kanyang loob ang paghingi ng paumanhin kalakip ang dolyares ni Erap … ‘e ipangingilak din pala …
Ay sus talaga!
Ang dami ng problema ngayon sa Maynila pero mas inuuna pa nila na humingi ng paumanhin sa Hong Kong ‘e may maitutulong ba ‘yan sa atin!?
By the way, ‘yung namatay ba na Filipina doctor sa Tiananmen Square Beijing China ‘e dapat bang ihingi rin ng paumanhin ng China sa Philippine government gayong ang may gawa ay iisang taong nauulol na gaya ng nasirang si Rolando Mendoza?!
Pakisagot nga po.
CONGRATS BARANGAY CHAIRMAN ALLAN UNARSE!MAINIT na pagbati ang ipinararating ng HATAW kay newly elected Punong Barangay ALLAN O. UNARSE ng Barangay 587-A Zone 58 sa kahabaan ng Ramon Magsaysay Blvd. at V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila.
Landslide na landslide po ang victory at ang naging hatol ng mga kabarangay ni P/B Unarse laban sa dalawa niyang katunggali sa katatapos lamang na halalang pambarangay. Kung kaya naman lubos-lubos ang PASASALAMAT niya sampu ng kanyang pamilya sa mga bumoto at nagbigay ng pagkakataon na mailuklok sa puwesto para makapaglingkod sa pamayanang nasasakupan.
Pinasalamatan din niya ang inyong lingkod, ang pahayagang HATAW at mga taong sumuporta sa kanyang kandidatura, gayon din ang mga nanalangin na mapagwagian ang nakaraang halalan.
”Sa mga nagwagi at sa mga nasawi, isang araw lamang ang halalan ngunit ang ating pagsasama ay habambuhay kung kaya’t magsama-sama na lamang, magtulungan at kalimutan ang hidwaang politika para sa kaayusan at katahimikan ng ating barangay,” ito ang panawagan na may kalakip na pakiusap ni Chairman Unarse.
Ang paalala lang ng mga constituents …Huwag kalimutan si “Jess” at “Edita,” ang dalawang tauhan na may napakahalagang papel na gagampanan sa panunungkulan sa baranggayan.
Mabuhay ka P/B Unarse! Good Luck!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com