Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sindikato ni Jojo kompleto na sa Parañaque

BUO na halos ang team ni Mang Jojo sa Parañaque kaya’t tiyak na tiba-tiba na uli ang mamang nagpahamak kay Joey Marquez at sa isa pang dating mayor ng Camanava area.

Bukod kasi kina Eva, Lanie, Arnold ay hinugot na rin niya ang isa pang bihasang kamador sa dati niyang balwarteng siyudad sa north na si Anton.

Sa madali’t salita, halos kompleto na ang Voltes V sa Parañaque kaya’t tiyak na iiyak dito ang mga negosyante at mga ordinaryong mamamayan dahil buo na ang team ng mga bihasa sa pamemera.

Sa hindi nakaaalam, ang latest na kinuha ni Jojo na si Anton ay kilalang matinik dahil bukod sa nakataya sa dati niyang among mayor ay pumusta rin sa bagong nakaupong mayor kaya’t nagpatuloy ang ligaya niya sa isang siyudad sa norte.

Hindi basta team ang kinuha ni Jojo dahil buo ang loob nila at talaga naman matindi ang pang-amoy sa pagkakaperahan.

Dalawa ang babae sa team ni Jojo na kinabibilangan nina Lanie at Eva pero asal-lalaki sila lalo sa usapin ng panggagarapal sa pera.

Ito naman si Arnold ay master sa pandodoktor ng rekords sa computer at diyan siya kailangan nina Lanie at Anton na kilala namang kamador ng kalokohan.

Iyan ang dapat bantayan ng mga taga-Parañaque dahil posibleng ang kanilang bagong upong alkalde ay napaikot na ng grupo ni Jojo na ang palaging bukang-bibig ay hindi siya kayang tinagin kay Mayor Edwin Olivarez dahil alam niya ang kahinaan nito.

Ang tanong na lang ngayon ay kung may blessing ni Olivarez ang team at ginagawa ni Jojo dahil napapa-isip tuloy ang mga taga-Parañaque kung talaga bang walang alam si Mayor sa pagsisiga-sigaan nina Lanie, Anton, Eva at Arnold sa city hall.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …