Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sang bad egg sa BoC-EG, pinisa na agad ni DepComm. Dellosa

LAST week I received information that one of BoC-Enforcement Group DepComm. DELLOSA’s trusted personnel ay nahulog daw agad sa kuko ng mga demonyo sa Customs by asking protection/dirty money from some players/ smugglers.

Buti na lang daw at maagang nabukayo ang kamote. Ang sabi kasi ng bossing ng BoC-EG ay “NO TAKE POLICY” pero ang tigas ng ulo.

Anyway, na-take home naman daw ang  milyones kaso nabuking agad ni Chief Dellosa kaya sinibak siya agad.

Good for his early retirement agad ‘yang kinita niya sa ismaglers within one week lang n’ya sa BoC.

Galing kaya ‘yan kay Gerry Tebes o kay Boss Jade?

Dapat din siguro na alamin at paimbestigahan ni Depcomm  Dellosa kung sinong demonyo ang nagturo o nag-endorse sa sinibak na tauhan niya sa mga player upang hindi na ito maulit at pamarisan pa ng ibang tauhan niya.

Hindi naman kasi pwede na mag-isa lang siyang dumiskarte sa mga player, for sure may nagturo at nagpakilala sa kanya.

Kahiya-hiya talaga ang ginawa ng kamoteng ‘yan sa ipinatutupad na reporma ng bagong BoC-EG chief.

Gaya ng madalas kung sinasabi, BOC is a Devil’s playground. Your Honesty will always be tested.

A bad egg was tested and failed, and soon other might follow too?

Kung mahina ang  paniniwala at pananalig na “honesty is greater than money.”

Mabuhay  ka DepComm. Dellosa!

I hope that you can resist all kinds of temptation in customs that will come your way. Remind ko lang po ulit they will come in many forms bossing.

Ricky “Tisoy” Carvajal

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …