Monday , December 23 2024

Pondong malapit sa kurakutan

ANG sabi ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III at kanyang mga katoto ay kailangan ng pamahalaan ang pera mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) para mapalago ang ekonomiya at matugunan ang iba pang gastusin ng pamahalaan lalo na kung may kalamidad.

Idinagdag pa niya na pinapayagan ng kasalukuyang Saligang Batas ang pagsasama-sama ng perang natipid ng pamahalaan sa isang pondo na kung tawagin ay DAP. Ang perang ito ay maaaring gastusin sa ano mang pangangailangan ng pamahalaan at hindi na kailangan pa nang paglalaan (appropriation) ng kongreso.

Isa pang ginagamit na depensa para mapanatili ang DAP ay ang pangangailangan ng discretionary funds ng pangulo upang makakilos ito. Ang discretionary fund na ito ay hindi na nasisislip ng Commission on Audit.

Kung susundan natin ang lohika ni Pangulong B.S. Aquino III at mga amuyong niya ay lumalabas na hindi na kailangan ang kongreso para sa pagpopondo ng mga gastusin ng pamahalaan.

Mangyaring ipasok na lamang ang budget sa DAP para si Pangulong B.S. Aquino III na lamang ang mag-desisyon kung saan gagastusin ang pera katulad ng pagpapasya niya na bigyan ng milyon-milyong piso ang mga senador mula DAP matapos magpasya na sibakin si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa poder. Ang tila kwestyonableng kilos na ito ni Pangulong B.S. Aquino III ay ibinulgar kamakailan ni Sen. Jinggoy Estrada sa isang privilege speech niya sa senado.

Malinaw na walang oversight o control kung paano gagastusin ang perang ito. Dahil dito ay bukas sa pagkakataon na kurakutin ng mga mapagsamantala sa pamahalaan. Ito ang dahilan kaya marami ang nananawagan na dapat nang alisin ang DAP at iba pang uri ng pork barrel.

Walang nagsasabing ninanakaw ni Pangulong B.S. Aquino III ang pera mula sa kaban ng bayan. Ang sinasabi ng bayan ay inilalagay niya sa isang sitwasyon ang pera ng bayan na madaling nakawan at abusuhin. Ito ay mapanganib lalo na’t ang ating mga pul-politiko at mga taong nasa poder ay halinang-halina sa kultura ng kawalang pananagutan o culture of impunity.

Ang hirap kasi kay B.S. Aquino III ang nakikita lamang niyang problema ng bayan ay ang pagnanakaw ng mga kawatan.

Hindi niya nakikita na suliranin rin ang pagpapanatili ng mga kondisyon tulad ng PDAF at DAP na matutuksong magnakaw ang mga nasa poder. Hindi nakikita ng pangulo na suliranin ang patuloy na pamamayagpag sa ekonomiya, politika, at socio-kultura at ang walang humpay na pagkakamal ng yaman ng bansa ng iilan lamang. Hindi niya nakikita na suliranin ang pagtuloy na pagdayo ng ating mga mahal sa buhay sa ibang bansa upang makahanap ng trabahong magbibigay ng disenteng sahod.

Maraming hindi nakikita itong si Pangulong B.S. Aquino III, haaaay.

* * *

Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga isyu ng panahon ugaliing making sa podcastpilipinas.com/nelsonflores tuwing Huwebes alas nueve (9) hanggang alas diyes (10) ng gabi.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa [email protected] para sa karagdagang impormasyon.

Nelson Forte Flores

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *