Monday , December 23 2024

Peryahan sa City Hall

We believe that Jesus died and rose again and so we believe that God will bring with Jesus those who have fallen asleep in him. —1Thessalonians 4: 41

DIOS MIO mga kabarangay, ano na ba itong nangyayari sa sagradong shrine ni Gat Andres Bonifacio dito sa Arroceros, matapos gawing tiange, heto’t gagawin naman peryahan.

Todo-salaula na ang ginagawa ng tent organizer sa Bonifacio Shrine. Hindi na iginalang ang ipinatayong monument ni Mayor Alfredo Lim.

Baboy shrine na ang tawag ngayon!

***

ITINABOY ang mga vendor na mga tunay na taga-Maynila at inilagay ang mga dayo kung saan-saan lupalop kinuha, ngayon naman ay nagtayo ng peryahan sa gitna pa man din ng Manila City hall. Ano ba ‘yan!

Naku, sino ba ang may pakulo nito? Alam ba ito ni Presidente Erap o nililinlang lamang siya ng mga taong nakapaligid at nagsisipsip sa kanya?

***

NASABI natin ito mga Kabarangay, dahil labag sa batas ang pagtatayo ng anomang amusement/entertainment na malapit sa mga institusyon, gaya ng eskwelahan, simbahan, ospital, government offices at iba pa.

Kapwa nilinaw ito sa mga batas na nakasaad sa Republic Act No.409 o Revised Charter of Manila at ang Republic Act 1224na naglilimita sa anomang mga amusement/entertainment establishment na magtayo sa loob ng 200 meter radius mula sa mga nabanggit na institusyon.

***

SA R.A. 409, ang city o municipal government ay dapat magtaguyod at protektahan ang kanyang Lungsod mula sa mgaunusual noises at limitahan ang mga pagbuo ng anomang mga amusement/entertainment establishment, malapit sa mga eskwelahan, ospital at iba pa.

Gayundin sa R.A. 1224 ay may kahalintulad din probisyon na isinasaad na paglabag sa anomang mga establisyemento na nakalilikha ng ingay o nakasisira sa moralidad malapit sa mga nasabing institusyon.

***

BASE sa RA. 1224:

“Section 1. The municipal or city board or council of each chartered city and the municipal council of each municipality and municipal district shall have the power to regulate or prohibit by ordinance the establishment, maintenance and operation of night clubs, cabarets, dancing schools, pavilions, cockpits, bars, saloons bowling alleys, billiard pools, and other similar places of amusement within its territorial jurisdiction:

Provided, however, That no such places of amusement mentioned herein shall be established, maintained and/or operatedwithin a radius of two hundred lineal meters in the case of night clubs, cabarets, pavilions, or other similar places, and fifty lineal meters in the case of dancing schools, bars, saloons, billiard pools, bowling alleys, or other similar places, except cockpits, the distance of which shall be left to the discretion of the municipal or city board or council, from any public building, schools, hospitals and churches “

***

ANG pagtatayo ng peryahan malapit sa Unibersidad de Manila (UDM), Manila City hall, Court offices at iba pa ay malinaw na paglabag sa mga nabanggit na probisyon ng batas.

Hindi po abogada ang inyong Lingkod, subali’t simpleng pag-aanalisa lamang mga Kabarangay, ang anomang bagay sa iyong paligid na lumilikha nang paggambala o disturbances sa buong pamayanan ay mali.

***

KAHALINTULAD din ito ng mga batas o ordinansa na ipinasa na nagbabawal sa paglalagay ng mga internet shops, hotels, motels, games/gambling na malayo ng 200 metro mula sa mga eskwelahan, simbahan, ospital at iba pang mga institusyon.

Dapat itong makita ng city hall officials. Hindi naman masama ang magnegosyo, ang masama ang kung mali ang lugar na pinagtayuan nito.

***

ISIPIN na lamang na nagastos mo ang pambayad sa pagkuha ngbirth certificates o pantubos sa lisensya dahil naenganyo kang mapadaan sa peryahan at tumaya sa color games o bingo-bingohan.

Isipin din na imbes pangkain na lamang ay isinugal mo pa o dili kaya napasakay ka sa Ferries wheel o de kadenang tsubibo na maaaring pagmulan ng aksidente..

Haay naku, isip-isip nga kayo d’yan pag my time!

PAYAG BA KAYO

MANATILI PA

SI PAYAD SA MBB?

MAY isa tayong masugid na mambabasa na nagsabi, idaan na lamang daw natin sa surbey kung karapat-dapat pa bang manatili si Jesus Payad, bilang Officer in Charge ng Manila Barangay Bureau (MBB).

Aba, medyo may punto ang ating reader. Si Payad kasi ang nagsisilbing “hepe” ng lahat ng Barangay officials sa Maynila. Dati rin Barangay Chairman si Payad at tama lamang na pulsuhan ang 897 Barangays officials sa Lungsod kung pabor o hindi pabor na pamunuan pa ni Payad ang MBB, matapos ang insidente ng pambabastos kay Atty Cherry P. Canda-Melodias, CESO V, City Director ng DILG-Manila.

***

CONDUCT unbecoming of a public official ang posibleng kaharapin ni Payad sa Office of the Ombudsman. Nagsumbong na rin si Atty. Cherry sa Office of the Mayor at pinag-aaralan na ngayon niPresidente Erap kung dapat pa bang manatili si Payad sa MBB o hindi.

Sa totoo lang ang pangit kay Payad, ipinamukha lamang niya na hindi kataasan ang nakamit niyang edukasyon sa pagiging walang modo!

Hintayin natin ang sagot ng ating mga kabarangay!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *