Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hustisya para sa mag-asawang Cocoy at Loida De Castro

PANAWAGAN lang natin kay PNP chief Alan Purisima at pamunuan ng Rizal provincial Police Office: Pakitutukan po ninyo ang kaso ng pananambang sa mag-asawang Cocoy at Loida De Castro sa Bgy. Pag-Asa, Binangonan, Rizal kahapon ng umaga.

Bago mag-11 ng umaga, hinarang ng isang grupo ng kalalakihan na nakasakay sa tricycle ang mag-asawa sa tapat mismo ng bahay nila at saka niratrat. Sinasabing pagnanakaw ang motibo ng mga salarin bagamat makailang ulit nilang pinutukan ang mga De Castro.

Nangyari po ito sa kalagitnaan pa rin ng mainit na GUN BAN ng Comelec. Kaya ipinagtataka ko kung paanong nakalusot sa mga pulis ang mga walanghiya?

Ang nakalulungkot po kasi rito, una nang binaril ang isang kapatid ni Gng. Loida sa katulad rin insidente ng pagnanakaw ilang taon na ang nakararaan. Tila ba naulit lamang ngayon dahil walang nangyari sa imbestigasyon ng mga pulis sa naunang kaso. Tsk tsk.

Batay sa mga naunang balitang nakarating sa akin, nalagutan ng hininga si Cocoy sa ospital samantala kritikal ang lagay ni Loida sa pagamutan. Malaki naman ang tsansang mabuhay ang ginang.

Mga sir at mam lalo na sa Rizal PPO, hindi po unang pagkakataong nangyari ‘yan. Tila naging paborito ng mga walanghiyang biktimahin ang nasabing pamilya. Nakaaawa naman. Nagsusumikap sa hanapbuhay tapos sa isang iglap aagawan ng buhay ng mga kampon ni Satanas.

Pakiayos naman po ang imbestigasyon ninyo nang mabigyang katarungan ang sinapit ng mag-asawa. Ang ginamit na sasakyan daw ng grupo ay dati nang ginagamit sa katarantaduhan. Ibig sabihin tagaroon lang din sila sa lugar.

Ang balita ko pa, tila protektado raw ng ilang mga gagong pulis ang nasabing grupo. Alamin po ninyo, mga sir!

Joel M. Sy Egco

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …