ANG mismong hagdanan ay hindi bad feng shui. Ngunit ang hagdanan ay maaaring magdulot ng maligalig na kalidad ng enerhiya. Depende sa pagdaloy ng enerhiya ng espisipikong bahay, ito ay madedetermina sa floor plan – ang maligalig na enerhiyang ito ay mabilis na kumakalat sa buong kabahayan.
Upang mabatid ang kalagayan ng feng shui sa espisipikong hagda-nan, suriin ang dala-wang factor na ito.
*Lokasyon ng hagdanan. Ang worst feng shui location ng hagdanan sa loob ng bahay ay kung ito ay nakaharap sa front door, o kung ito ay nasa sentro ng bahay, ang feng shui heart ng tahanan.
*Disenyo at istilo ng hagdanan. Ang worst design ng hagdanan ay ang disenyo na mayroong open space sa pagitan ng mga baytang, gayundin ang hagdanan na may metal railings at handrails sa wood feng shui element area. Mainam kung iiwasan ang pagkakaroon ng spiral shaped (o corkscrew) design sa sentro ng bahay, lalo na kung ang hagdanan ay yari sa bakal.
Lady Choi