INALERTO ng Pagasa at MGB ang mga lugar na una nang tinamaan ng malakas na lindol noong nakaraang buwan dahil sa epekto ng bagyong Wilma.
Inaasahang direkta itong magla-landfall o tatama sa Surigao del Sur, habang inaasahan ang hagupit nito hanggang sa Bohol at mga karatig na lugar.
Huling namataan ang bagyo sa layong 75 kilometro sa hilaga hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Napanatili nito ang lakas na 55 kph habang kumikilos ng pakanluran sa bilis na 19 kph.
Dahil dito, nakataas na ang signal number 1 sa Visayas, kabilang na ang Southern portion ng Negros Occidental, Southern portion ng Negros Oriental, Southern Cebu, Siquijor, Bohol at Southern Leyte.
Sa Mindanao naman ay umiiral din ang signal number 1 sa Dinagat Island, Surigao Del Norte kasama na ang Siargao Island, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin Island at Zamboanga Del Norte.