Sunday , December 22 2024

Talunang Tserman niratrat tigbak

AGAD binawian ng buhay sa Chinese General Hospital ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin habang nasa labas ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Armando Ramos ng Brgy. 209, Zone 19 ng Severino Reyes St., Tondo, Maynila, habang patuloy ang pangangalap ng testigo para sa pagkakakilanlan sa tumakas na suspek.

Ayon sa ulat ng pulisya dakong 9:00 ng gabi nang pagbabarilin si Chairman Ramos sa harap mismo ng kanyang bahay.

Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ng ilang residente sa nasabing lugar, at nang humandusay sa semento si Chairman Ramos, dali-dali siyang isinugod sa Chinese General Hospital pero hindi na umabot nang buhay, dahil sa tama ng bala sa ulo at sa katawan.

Kasalukuyang barangay Chairman si Ramos at nitong nakaraang barangay election ay minalas na matalo laban kay Rudy Cruz, may-ari ng Cruz Funeral Parlor.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo ng krimen.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *