Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Service crew ng Chowking, sinuntok tigok

TODAS ang isang 23-anyos na service crew ng Chowking dahil sa malakas na suntok mula sa kanyang nakaaway sa Sta. Cruz, Maynila iniulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Junnel Samson, ng 832 Oroquieta St., Sta Cruz, Maynila.

Inilarawan ang dalawang suspek na may edad 25-20, kapwa nakatakas.

Ayon sa ulat dakong 1:15 ng madaling-araw kahapon nang naganap ang insidente sa kanto ng Claro M. Recto Ave., at Oroquieta St., Sta Cruz, Maynila.

Nabatid na kumakain ang biktima kasama ang kanyang pinsan na si John Samson nang abutan sila ng mga suspek na nagsalita ng “suwerte naman, may magbabayad na sa kakainin natin.”

Sumagot naman ang biktima ng  “bakit ako magbabayad ng kinain n’yo, kaibigan ko ba kayo?”

Sa puntong ito ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga suspek at biktima.

Namagitan si Samson ngunit huli na nang pagsusuntukin ng mga suspek ang biktima na bumagsak sa semento at nabagok.

Humingi ng saklolo sa ama ng biktima si Samson pero pagbalik nila ay nakahandusay na si Junnel kaya isinugod nila sa ospital.

Nabatid na napuruhan ang biktima sa malakas na suntok ng mga suspek na agad niyang ikinamatay.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …