Saturday , August 2 2025

P100-M danyos ni Vinta sa Cagayan (3 patay, 2 missing)

110413_FRONT
aabot sa P100 milyon ang halaga ng iniwang pinsala ng bagyong Vinta sa agrikultura at impraestruktura sa lalawigan ng Cagayan.

Habang tatlo ang nalunod habang dalawa ang hindi pa natatagpuan dahil sa bagyong Vinta.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga biktimang sina Wilson Lizardo, 72, ng Ballesteros, Cagayan; Jose Manuel, 52, ng Lasam, Cagayan; at Manny Balucas, 41, ng Lagayan, Abra.

Bukod sa kanila, patuloy na pinaghahanap ang dalawang nawawala mula pa noong kasagsagan ng bagyo na kinilalang sina Loridel Baldos, 30, residente ng San Juan, Abra; at Jerry Gatan, 25, ng Cabagan, Isabela.

Kaugnay pa rin ng naturang kalamidad, umaabot sa 26,221 pamilya ang apektado o katumbas ng 116,482 katao mula sa 211 barangay sa 26 na bayan at isang lungsod sa loob ng limang probinsya.

Tinatayang nasa P24 milyon na ang pinsala sa Ilocos at Cagayan Valley, kasama na ang P1,345,000 para sa impraestruktura at P22,963,117.54 sa agrikultura.

Posibleng madagdagan pa kung may iba pang ulat na papasok mula sa mga lokal na pamahalaan.

Ito ang inihayag ni Bonnie Cuarteros ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Batay sa kanilang initial report, marami ang nasirang mga palay at mais na namumulaklak pa lamang.

Tinataya namang mahigit P5 milyon ang halaga ng pinsala sa pala-isdaan.

Nasa 2,315 ang totally damaged na mga bahay habang 15,855 ang partially damaged mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan

Umaabot sa 17 bayan, 378 barangay ang apektado ng bagyo, o 30,038 pamilya na binubuo ng 153,391 individuals.

Ani Cuarteros, may siyam na nasugatan sa pananalasa ng bagyo karamihan ay nabagsakan ng mga sanga ng punongkahoy at iba pang falling debris.

Sinabi ni Cuarteros, agad ipinag-utos ni Governor Alvaro Antonio na tulungan ang mga nawalan ng bahay para agad mabigyan ng emergency shelter assistance, mga pagkain at iba pang pangangailangan.

Patuloy ang isinasagawang assessment sa lawak ng pinsalang iniwan ng bagyo.

Samantala, blackout pa rin ang maraming lugar sa probinsiya ng Apayao.

Sinabi ni S/Supt. Alberlito Garcia, Director ng PNP Apayao, hindi pa naaayos ang mga bumagsak na linya ng koryente sa paghagupit ng bagyong Vinta.

Napag-alaman kay Kalinga PNP Director John Calinio na passable na ang mga kalsada sa probinsiya ng Kalinga.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte Supreme Court

Sa impeachment trial vs VP Sara
DESISYON NG SC PUWEDE BAGUHIN

HATAW News Team MAITUTUWID pa ng Korte Suprema ang kanilang sarili at maaari pang baliktarin …

Arrest Shabu

Gunrunner, durugistang tulak nasakote

ARESTADO ang isang lalaking isinasangkot sa ilegal na bentahan ng mga hindi lisensiyadong baril sa …

House Hotshots Javi Benitez Brian Poe Llamanzares Ryan Recto

House Hotshots, nagsusulong ng makasaysayang panukalang batas para sa Climate Resilience

ISANG grupo ng mga batang mambabatas na kilala bilang House Hotshots ang nagsusulong ng makabuluhang …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Big time pusher sa Pampanga nalambat sa 700 gramong shabu

NAARESTO ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang pinaniniwalaang big time …

PM Vargas

Batas sa kalusugan, kabuhayan, at edukasyon tugon sa panawagan ni PBBM — solon

SA PAGTAPOS ng State of the Nation Address (SONA), nangako si Quezon City District V …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *