Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Naningil ng otso mil sinuklian ng baril

Kalaboso ang isang 41-anyos lalaki matapos barilin at mapatay ang lalaking pinagkakautangan niya sa Cagayan de Oro City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng Cagayan de Oro police ang suspek na si Dela Militon, 41, ng barangay Bayabas, sa nabanggit na lungsod.

Dinakip si Militon matapos barilin ang biktimang si Ruben Carpio, 43, may asawa, ng nasabing lugar.

Sa kuwento ni Junior Bilonghilot, kapitbahay ng biktima, bago pa ang insidente ay sinisingil umano ng biktima ang suspek hanggang magtalo sila.

Nabatid na ilang buwan nang may pagkakautang na dalawang gulong ng jeepney na nagkakahalaga ng P8,000 ang suspek sa biktima at nang magkitang muli ay pilit siyang sinisingil.

Tatlong tama ng punglo sa ulo, dibdib at leeg ang tumapos sa buhay ng biktima.

Depensa ng suspek, nagawa niyang barilin ang biktima nang akto umanong susugurin siya ng saksak kaya niya pinaputukan. (Beth Julian)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …