Sunday , December 22 2024

“Kalakaran System”

Do not boast about tomorrow, for you do not know what a day may bring forth. —Proverbs 27-7

NAGPADALA na ng liham-reklamo sa Office of the Mayor ang City Director ng Department of Interior and Local Government (DILG-Manila) na si Atty. Cherry P. Canda-Melodias, CESO V.

Ito ay kaugnay sa magaspang na pag-uugali na ipinakita sa kanya niManila Barangay Bureau (MBB) Officer in Charge Jesus Payad.

***

ANG inyong Lingkod ang nagbunyag nitong nakalipas na Linggo ng kawalang modo at aroganteng asal ni Payad na ipinakita sa isang mataas na opisyal ng DILG pa man din.

Hindi ito dapat palampasin ng mga opisyal ng Manila City hall. Hindi magandang halimbawa sa publiko ang kostumbre ni Payad na isang opis-yal ng ating Lungsod.

***

KAYA nararapat natin ilathala ang ilang bahagi ng sulat ni Atty Cherry na ipinadala niya kay Presidente Erap at kay Atty. Edward Serapio, Secretary to the Mayor na may petsang Oktubre 23, 2013 sa larangan ng public interest.

Batid ng inyong Lingkod na ayaw ni Presidente Erap ang mga ganitong gawain sa kanyang administrasyon.

***

SA pahayag-sulat ni Atty. Cherry, pinapipirmahan sa kanya ni Payad ang isang supplemental budget ng Barangay 404 na walang isinasaad kung saan gagamitin.

Bago ito, nakausap niya ang Punong Barangay ng Brgy 404 na siChairman Emmanuel Dela Vega na humihiling din na lagdaan na angsupplemental budget ng kanyang barangay. Nang usisain ni Atty. Cherry kung saan gagastusin, sinabi niya na:

“Para po kay Vice Mayor!”

***

NGUNI’T sinabi ni Atty. Cherry na kinakaila-ngan magsumite ng Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan bago niya pirmahan ang anumang supplemental budget ng isang barangay.

Subalit nang si Payad na ang lumapit sa kanya ay pasigaw na nagsabi kay Atty. Cherry na:

“Ito naman ang kalakaran dito!”

***

PALIWANAG ni Atty. Cherry sa kanyang sulat kay Presidente Erap:

“I am bringing this matter to your attention because I have been given the impression that your administration is working towards a better and greater Manila. And I believe in your leadership and I have seen with my own eyes and I have had personal experience on how serious your are in doing whatever it takes to bring back Manila’s lost glory.”

***

AYON pa kay Atty. Cherry:

“That is why I do not understand how the officer in Charge of the Manila Barangay Bureau could have the imprudence to tell an officer of the DILG to overlook the law because it is the ‘kalakaran’ here … the request of Mr. Payad to just allow non-compliance with the laws of this country because this is the ‘kalakaran’ in Manila.”

***

NALUNGKOT si Atty. Cherry sa inasta ni Payad na isang hepe ng mga barangay, at batid din niyang hindi pinahihintulutan ni Presidente Erap na mangyari ito sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Aniya:

“As the City Director of the Department of the Interior and Local Government in Manila, I cannot tolerate somebody who blatantly tells me to violate the very oath that I have sworn to uphold “to obey the laws of the Republic of the Philippines.” What makes it worse is this is being done in your name not only as the City Mayor of Manila, but as a Former President of this Republic.”

***

O, Mga Kabarangay, kayo na ang bahala humusga kung may karapatan pang manatili sa MBB si Payad o hindi.

Ang alam ko bawal ang ungas sa MBB!

‘HINDI SA CARITAS

ANG IPINAMAHAGING

REGALO’

ABA, mukhang kinokompirma na ngayon ng mga kabarangay natin saBgry 672 Zone 71 na nagkaroon ng ‘vote buying’ nitong nagdaang barangay election.

Itinanggi kasi ang ating isinulat nitong Huwebes, Oct. 31 na nagmula sa Caritas Manila ang ipinamahaging ‘regalo’ sa mga botante, kundi mula umano sa bulsa ng mga nagwaging kandidato.

***

KONTODO paliwanag daw ang mga nagwaging kandidato na hindi nagmula sa Caritas kundi sa Trident raw nila binili ang mga produktong natanggap ng ating mga Kabarangay.

Patunay daw dito na may kaukulang resibo pa raw sila na nagkakahalaga ng P4,500.

Ipinamahagi raw nila ito sa araw ng botohan!

***

KUNG ganoon, kesyo galing o hindi sa Caritas ang ipinamahagi sa mga botante na lagpas sa P5.00 per voter na itinatadhana ng Comelec, labag pa rin ito.

Naku ha? Dami paliwanag ang ending rin naman pala ay pag-amin na nagkaroon ng bilihan ng boto sa pamamagitan ng pagbibigay ng “grocery packs.”

Aysus, sa presinto na kayo magpaliwanag!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *