Sunday , December 22 2024

Full honors kay Narvasa

DADALHIN ngayong araw sa Supreme Court ang abo ni dating Chief Justice Andres Narvasa na inaasahang idaraan sa en banc session hall ng Kataastaasang Hukuman.

Ayon sa public information office ng SC, mayroong gagawing programa bilang pag-alala at pagkilala sa naging buhay at serbisyo ng dating punong mahistrado.

“Full honors, as befitting his stature as a former Chief Justice, will be rendered by the Philippine National Police…  Please expect partial closure of Padre Faura (UP Manila to DoJ) from 7 to 9:15 a.m., Monday, Nov. 4,” ayon sa abiso.

Una rito, pinag-aaralan na rin ng Palasyo ang special citation na maaaring igawad sa namayapang si Narvasa.

Sinabi ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte, aalamin niya kay Pangulong Benigno Aquino III kung anong award ang nararapat kay dating CJ Andres Narvasa na nagbigay ng kontribusyon sa bansa lalo na sa hudikatura.

Nagsilbi si Narvasa bilang chief justice ng Filipinas mula Disyembre 1, 1991 hanggang Nobyembre 30, 1998.

Naging bahagi siya ng Agrava Fact-Finding board na nanguna sa imbestigasyon sa pagpatay noon kay dating Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., ang ama ni Pangulong Aquino.

Noong impeachment trial kay dating Pangulong Joseph Estrada, na ngayon ay Manila mayor, naging bahagi siya ng legal defense team.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *