Sunday , December 22 2024

Erap sinopla ng HK, pangingikil ibinuking

LUMABAS din na ang tunay na motibo ng pangkat ni NPC awardee ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa paghingi ng apology sa Hong Kong kaugnay sa Luneta  hostage crisis ay ipangikil ang mga biktima sa mga negosyanteng Filipino-Chinese.

At natural lamang na umalma si Tse Chi-kin, ang kuya ng napatay na tour guide na si Masa Tse Ting-chunn, nang makipag-usap sa kanila ang sugo ni Erap na si Manila Councilor Bernardito Ang para alukin ng compensation ang kanilang pamilya.

Maliban sa ipinasang resolution ng Manila City Council na humihingi ng pormal na paumanhin sa kanila ay inamin ni Ang sa mga biktima na nakahanda ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa ilalim ni Erap na magbayad ng US$75,000 sa mga pamilya ng walong napaslang, US$150,000 sa malubhang nasugatan at US20,000 sa hindi masayadong malala ang pinsala.

Sa ulat ng pangunahing pahayagang South China Morning Post sa Hong Kong, kinuwestiyon ni Tse si Ang kung bakit ipanghihingi nila sa mayayamang Chinese at Filipino businessman ang iniaalok nilang kompensasyon para sa mga biktima.

Sa inis ay nanindigan si Tse na hindi tatanggap ni kusing na compensation kung magmumula rin lang sa mga Filipino-Chinese businessman.

Sabi naman ni Erap, hindi na mahalaga kung saan nanggaling ang ibibigay ng Maynila na compensation, ang importante ay mabayaran ang mga biktima.

Umiral na naman ang baluktot na katuwiran ng isang sentensyadong mandarambong na ang laging ang nasa kukote ay kung paano makapagpapasiklab at magkakakuwarta.

Hindi naman bobo ang mga taga-Hong Kong para hindi mahalata na ang totoong layunin pala ng pangkat ni Estrada ay pagkakitaan pa at kalakalin ang trahedyang sinapit ng mga biktima at ng kanilang mga pamilya na idinaan sa pamamagitan ng “resolution in aid of extortion” ng Konseho sa Maynila.

Nasaan ang ‘act of goodwill’ sa diskarteng ito ni Erap na sinabi ni “Mis-communication” Secretary Sonny Coloma?

AMILYAR SA MAYNILA

TATAAS NG 350 PORSIYENTO UMPISA SA ENERO 2014

PABORITONG ipangalandakan ni Erap na bangkarote ang lokal na pamahalaan ng Maynila, kahit wala siyang ipinakikitang dokumento para patunayan ito.

Dahil nga sa taglay ang asal-sanggano na lahat ng maisip, kahit mali ay iginigiit, nakararanas ng ibayong dusa ang mga Manilenyo, lalo na sa sandaling ipatupad ang 350% dagdag na bayad sa amilyar o real estate tax sa Maynila simula Enero 2014.

Ibig sabihin, kung dati kang nagbabayad ng P1,000 sa amilyar ay kailangan mo nang mag-hagilap pa ng karagdagang P3,500 para sa P4,500 na dapat bayaran.

Dagdag pahirap na naman ito sa mga nagdurusang Manilenyo, kaya nga inip na inip na sila sa pagbaba ng desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case laban kay Erap.

PBS-BBS EXECS, IPINAARESTO

IPINAARESTO sina Philippine Broadcasting Service Director Tito Cruz at Executive Assistant Jun Romana bunsod ng “no bail warrant of arrest’ na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court Judge Luisito G. Cortez dahil nabigo silang magpaliwanag at ipatupad ang Suspension Pendente Lite Order laban kay Edgardo Magtibay Satira, Station Manager ng dzRM.

Noon pa kasing Hulyo 10, 2012 inilabas ng hukuman ang suspension order laban kay Satira, nguni’t sa hindi malamang dahilan ay dinedma lang ito nina  Cruz at Romana.

Nag-ugat ang usapin nang maghain si KAKAMMPI Chairperson Maria Fe P. Nicodemus ng graft complaints laban kay Satira sa Office of the Ombudsman noong Hulyo 16, 2007 at noong Hulyo 2011 ay isinampa ang mga kasong paglabag sa Article 315, o estafa with abuse of confidence, at Article 213 ng Revised Penal Code, o fraud against public treasury, at Section 3 (b) at (e) ng Republic Act 3019, o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, sa Quezon City RTC.

PROGRAMANG “KATAPAT”

SA RADIO DWBL-1242 KHZ

SUBAYBAYAN ang mga umaatikabong balitaktakan at talakayan sa programang “KATA-PAT” na napapakinggan gabi-gabi sa Radio DWBL (1242 Khz/AM band), 11:00 pm – 12:00 midnight, Lunes hanggang Biyernes.

(Para sa anomang sumbong at reaksiyon, itawag lamang sa Tel. Nos. 631-2646 / 631-2647 o kaya ay mag-text sa 09174842180. Maari din lumiham sa: [email protected])

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *