BAGUIO CITY – Bumagsak sa 12 degrees Celsius level kahapon ang pinakamababang temperatura sa summer capital ng bansa.
Ayon sa Pagasa-Baguio, umabot sa 12.8 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala nila dakong 4 a.m. kahapon.
Ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod ng Baguio ngayong “Ber-months” mula sa 9.5 degrees Celsius na naitala naman noong nakaraang Pebrero sa kasalukuyang taon.
Ayon sa Pagasa, inaasahan pang titindi ang ginaw sa City of Pines at sa iba pang bahagi ng lalawigan ng Benguet habang papalapit ang Pasko.
Sa kasaysayan, umabot sa 6.3 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod ng Baguio noong Enero 18, 1963.