Sunday , December 22 2024

Napoles ‘nilayasan’ ni Kapunan (Natakot sa death threats)

NAGBITIW na si Atty. Lorna Kapunan bilang legal counsel ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak sa pork barrel scam.

Ayon kay Kapunan, pangunahing dahilan ng kanyang pagbibitiw sa legal team ni Napoles ay dahil sa natatanggap niyang death threat.

Nagsimula aniya ang pagbabanta sa kanyang buhay nang madawit ang pangalan ng negosyante sa pork barrel scam.

Inamin ng abogado na may isang politikong seryosong nagbanta sa kanya na manahimik na lamang hinggil sa eskandalo.           (BETH JULIAN)

Bahala ang NBI — whistleblowers

LWUA CHIEF SABIT DIN KAY NAPOLES

IPINAUUBAYA na lamang ng kampo ng whistleblowers sa National Bureau of Investigation (NBI) ang posibilidad ng pagkakadawit ni Local Water Utilities Administration (LWUA) Chairman Rene Villa kay Janet Lim-Napoles, akusado sa kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Ayon kay Atty. Levito Baligod, abogado ni Benhur Luy at ng mga testigo, kabilang sa mga nabanggit ng whistleblower si Villa na may direktang ugnayan kay Napoles.

Sinabi ni Baligod, ayaw niyang pangunahan ang NBI at Department of Justice sa pagkakadawit ng dating Department of Agrarian Reform secretary lalo na’t hindi pa tuluyang naisampa ang pangalawang batch ng kaso sa Office of the Ombudsman.

Inamin din ni Baligod na kakilala nila si Villa na sinasabing tumatayong adviser ng negosyante na isa sa mga utak ng kontrobersyal na pork barrel scam.

“Nabanggit siya (Rene Villa) ng mga testigo sa pork barrel issue pero sa pag-imbestiga siguro bahala na ang NBI, ayaw kong pangunahan lalo na’t hindi pa naisampa ang second batch sa kaso,” ani Baligod.

MIRIAM BINARA SI OSMEÑA SA IMMUNITY KAY NAPOLES

BINARA ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang opsyon ni Senador Serge Osmeña na bigyan si Janet Napoles ng immunity sa criminal prosecution kapalit ng pagsasabi ng lahat ng nalalaman sa P10 bilyon pork barrel scam.

Ipinaalala ni Santiago na walang karapatan ang Senado at maging office of the Ombudsman na magbigay ng immunity.

Ito aniya ay dahil mga korte lamang ang maaaring magdesisyon kung bibigyan ng immunity ang isang akusado.

Taliwas naman ito sa naging pahayag ni Senador Teofisto Guingona III na ang tanging maaaring magbigay ng immunity ay ang Department of Justice at Ombudsman.

Ipinaliwanag naman ni Senate President Franklin Drilon na ang ibig sabihin lamang ng immunity sa criminal prosecution ay hindi gagamitin ng Senado ang korte laban kay Napoles sa lahat ng kanyang sasabihin sa Blue Ribbon Committee sa Nobyembre 7.

Sinabi pa ni Santiago, bukod sa posibleng igiiit ni Napoles ang kanyang “right against self incrimination” ay maraming senador na nag-iimbestiga at iimbestigahan ay presidentiables at vice Presidentiables sa 2016.

Katunayan aniya, kanya-kanyang pa cute ang mangyayari sa imbes na laliman pa ang pagbusisi sa P10 bilyon pork barrel scam.

(CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *