Sunday , December 22 2024

Market sa QC, tuldukan!

MAYROON naman mga pulis o Police Community Precinct sa harap lang mismo ng Commonwealth Market, Commonwealth Avenue, Quezon City pero, bakit kaya walang takot sa pagsalakay ang mga hinihinalang hired killer sa lugar?

Ibig bang sabihin nito ay wala silang takot sa pulis o masyado lamang pabaya ang pulis na nagbabantay sa lugar mula sa Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6 na siyang nakasasakop sa lugar o pinangyarihan ng patayan?

Ayaw ko naman sabihin na pabaya ang PS 6 dahil batid natin ang kampanya ng istasyon laban sa kriminalidad partikular na sa area of responsibility nito.

Mahigpit kasi na tagubilin sa kanila ni Chief Supt. Richard Albano, QCPD director, na magbantay mabuti para masawata ang lahat – ang ano mang pinaplano ng mga kriminal.

Subalit ano ang nangyayari sa PS 6, nakababahala na ang patayan sa nasasakupan nito – tinutukoy natin ay ang magkasunod na patayan sa Commonwealth Market.

Parehong nagtatrabaho sa palengke ang itinumba sa bisinidad ng palengke. Una ay ang babaeng kawani – collector. Pinagbabaril ito mismo sa loob ng palengke habang nangongolekta ng arkabala.

Makalipas lang ang isang araw, isinunod naman ang lalaking kawani ng palengke – market inspector naman.

Paano nalusutan ang PS 6 ng mga kriminal sa kabila ng sinasabi nilang mahigpit ang kampanya nila laban sa kriminalidad?

Marahil ang kampanya ay hanggang press release(papogi) lamang at pagdating sa performance ay kulelat ang istasyon.

Kuleta? Hindi naman kundi isolated case lang ang lahat. Narinig ko na ang palusot na iyan.

Paanong sabihing isolated case lang ang lahat. Dalawa katao magkasunod na pinaslang sa iisang lugar at kapwa pang kawani ng palengke. Isolated ba iyon?

Ibig kong sabihin, ang dapat nang may naitumba na, ang dapat na ginawa ng PS 6 ay kumilos na agad. Dapat  na dinoble nila ang pagbabantay sa palengke pero ano ang nangyari? Lumalabas na pa-easy-easy lang ang PCP. Bakit? Aba’y makalipas ang 48 oras lang, nalusutan na naman sila. Pinagbabaril at pinatay ng mga hinhinalang hired killer ang market inspector.

Anyway, in fairness naman sa PS 6, hindi naman nagkulang si Supt. Ely Mata, hepe ng istasyon, sa kanyang mga bataan hinggil sa direktiba ni Albano. Nandoon na tayo hepe, subalit nakababahala po ang nangyari.

Isa lang ang puwedeng ibig sabihin nito hepe, hindi nakikinig sa iyo ang mga tauhan mo. Inilalaglag ka nila. biro niyo, may nauna na ngang itinumba, pinabayaan pa ng PCP na masundan ito.

Ano pa man, naniniwala pa rin tayo kay Supt. Mata na kaya niyang tuldukan ang patayan  sa palengke. Oo naman, kaya nga siya ang itinalaga ni Albano sa PS 6 dahil sa isa siyang magaling na opisyal. Sige Kernel, tuldukan mo na ang patayan na iyan!

Kudos naman sa QCPD PS 1

Dahil naman sa pagkaalerto at mabilis na pagresponde, agad na nalutas ng QCPD La Loma Police Station 1 ang pagpaslang sa negosyanteng si Bayani Mendoza noong araw ng barangay election. Pinagbabaril at pinatay ang biktima sa harap ng bahay nito sa harapan din ng kanyang ina.

Matapos na pagbabarilin ang biktima, agad na humingi ng tulong sa PS 1 ang ilang saksing kapitbahay na agad namang nirespondehan ng istasyon.

Sa madaling salita, solved agad ng istasyon ang kaso. Tatlo sa limang suspek ang naaresto malapit ng pinangyarihan ng krimen habang hinahanting pa ang dalawang hindi pa nakikilala.

Kudos sa inyo diyan sa PS 1 at siyempre maging kay Gen. Albano.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *