Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Handa ka na ba para sa love?

NAGHAHANAP ka ba ng love partner? O maaaring nasa relasyon ngunit kailangan ng kaunting tulong? Ang feng shui ay may iba’t ibang love tips, o tips sa paggamit ng feng shui para mapanatili o makatagpo ng masayang relasyon.

Narito ang mabilisang feng shui love check-up sa inyong bahay upang mabatid kung talagang bukas na ito at handa na sa pangmatagalang love.

• Ang bedroom ba ay komportable para sa dalawang tao?  Feng shui wise, kung ang kama ay nakasiksik sa isang sulok ng bedroom o nakatago sa likod ng pintuan at mayroong iisang nightstand lamang, maaaring mahirapan kang makatagpo ng functional love. Kung ganito ang sitwasyon, maaaring hindi ka pa handa at nagtatago sa love.

• Ang kama ba ay may balanseng feng shui energy sa magkabila nito? Sa love relationship, ang kama ay ginagamit ng kapwa magka-pareha. Para magtagal ang relasyon, ang magkapareha ay dapat ramdam ang pagiging magkapantay, respeto at maayos na pagtrato. Ang magkabila ng kama ay dapat na mayroong balance feng shui.

• Mayroon bang bakanteng espasyo sa closet? Ang closet na mayroong breathing room at maayos na nakadadaloy ang feng shui energy, ay hindi lamang nagsusulong ng maayos na kalusugan at higit na oportunidad, kundi sa praktikal level, ay hinahayaan mo ang iyong mahal na magtabi rin doon ng kanyang mga gamit.

• Tiyaking maayos ang iyong feng shui home trinity (bedroom, bathroom, kitchen). Kailangan mo ng good feng shui energy sa tatlong mahalagang eryang ito ng iyong bahay. Kung ang enerhiya ng isa sa mga ito ay mababa o hindi balanse, kalaunan ito ay magre-reflect sa love relationship.

Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …