“Hindi kami nagnakaw, at hindi kami magnanakaw; kami ang umuusig sa magnanakaw.”
Ito ang inihayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang sampung minutong President’s Address to theNation kagabi ni Pangulong Benigno Aquino III bilang buwelta sa kaliwa’t kanang pagbatikos sa kanyang administrasyon bunsod ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Tinukoy ni Pangulong Aquino ang mga sangkot sa pork barrel scam, partikular ang isang matandang politiko, bilang pasimuno sa panggugulo sa sitwasyon upang ilayo ang isyu palayo sa kanilang paglulustay sap era ng bayan.
“Sa sobrang hirap nga pong ipaliwanag, tila sinunod na lamang nila ang payo ng isang matandang pulitiko sa kanilang kampo: Kung hindi mo kayang ipaliwanag, palabuin mo na lang lahat; kung hindi mo kayang bumango, pabahuin mo na lang lahat; kung hindi mo kayang gumuwapo, papangitin mo na lang lahat. Narinig naman ninyo ang hirit nila: Pare-pareho lang naman daw kaming lahat,” wika pa ng Pangulo.
Binigyang diin niya na walang masama sa mekanismong DAP dahil nakakatulong ito upang pablisin ang implementasyon ng proyekto ng pamahalaan habang ang President’s Social Fund, calamity fund at contingency fund ay pinagkukunan ng pondo para sa mga kagyat na pangangailangan tulad ng kalamidad at mga naulila ng mga nasawing pulis at sundalo sa larangan, kaya hindi makatuwirang tawagin siyang “Pork Barrel King.”
“Ito po ang masasabi ko sa kanila: Kung sa tingin ninyo, titigil ako sa pag-usig; kung sa tingin ninyo, maililihis ninyo ang atensyon ng publiko; kung sa tingin ninyo, makakatakas kayo sa pagnanakaw; nagkakamali kayo ng tantya sa akin, at sa taumbayang Pilipino. Baka naman po may natitira pang kabaitan sa inyo. Sana po, gumawa na kayo ng kilos para naman sa kapwa ninyo, at hindi lang para sa sarili,” sabi pa niya.
(ROSE NOVENARIO)