Sunday , December 22 2024

Commissioner Kim Henares natitiyope ba kay Dennis BIR?

00 Bulabugin JSY

HINDI natin alam kung ano’ng ALAS mayroon si alyas DENNIS BIR at maging si Internal Revenue Commissioner KIM HENARES ay tipong natitiyope sa kanya?!

Sa kasalukuyan kasi, si Commissioner KIM, ang alam ng lahat na mahigpit at nagpapatupad ng disiplina sa Bureau of Customs.

Kaya naman, isa tayo sa mga nagtataka kung bakit sa sariling teritoryo niya – sa Bureau of Internal Revenues (BIR) – ay hindi niya MASAWATA ang isang alyas DENNIS BIR.

Isang empleyado ng BIR na walang palya sa kasusuweldo mula sa taxpayers’ money pero walang palya rin sa kasasabong sa lahat ng mga sabungan d’yan  sa lalawigan ng Rizal.

Hindi man lang ba nagtataka si Commissioner KIM kung saan o kani-kanino tumo-TONGPATS si DENNIS BIR kaya nasusunod niya ang MALUHONG PAGPARADA sa mga SABUNGAN?!

Bistado na ng mga taga-BIR ang KARAKAS ni Dennis BIR at mukhang si Commissioner Henares na lang ang hindi nakaaalam o AYAW TALAGANG ALAMIN?!

Parang gusto pang maging  ‘TEAM’ este THEME SONG ni Commissioner KIM kay alyas Dennis BIR ‘yung kantang “Dahil manhid ka , manhid ka … walang pakiramdam … puro deadma ka na lang.”

Tsk tsk tsk …

Totoo ba Commissioner KIM?! May ALAS sa iyo si DENNIS BIR?

Pakisagot lang po!

IACAT-DOJ TAMEME SA HUMAN TRAFFICKING VS GAY BARS?

NAGTATAKA ang club owners sa Roxas Blvd., kung bakit matapang lang ang IACAT-DoJ at iba pang ahensiya kontra prostitusyon at human trafficking sa mga KTV bar/club pero tahimik na tahimik sila sa isang gay bar.

Parang sound of silence nga raw ang IACAT-DoJ sa kaso ng WHITEBIRD d’yan sa Roxas Blvd., gayong talamak ang human trafficking sa kanilang male and hunk dancers at baka meron pa ngang mga menor de edad.

Patok  na patok nga raw ang mga BUGALOO na sina GELY at GRETA …

Kumbaga, sila ang HAPPY, DAILY po ‘yan …

Paging IACAT-DoJ, baka naman na-o-OVERLOOK ninyo ang ‘WHITEBIRD.’

Check-check din kayo kapag may time!

PASAY CITY MAYOR TONY CALIXTO TUMAAS ANG PRESYON SA METRO MANILA COUNCIL MEETING WITH PNOY

HINDI pala nagkadaupang-palad sina PNOY at Pasay City Mayor Tony Calixto sa nakaraang Metro Manila Council meeting.

Dumating nga si Mayor TO-CALIX pero mukhang hindi niya natagalan, biglang tumaas ang blood pressure (BP) kaya hayun nag-EXIT kaagad.

Tsk tsk tsk …

INGAT-INGAT YORME!

Hindi pa tayo nagkikita sa KORTE. Masyado ka nang napi-pressure.

Lalo na siguro kapag nag-umpisa na ‘yang reclamation project ninyo.

Paano na kapag na-pressure ka?!

Paano na ang pwesto mo? Ang mga naipundar mong yaman? Lalo na ang mga darating na parating?!

Dapat talaga, relax-relax lang kayo o kaya ay kare-karera lang kayo ni Bing Lintekson para hindi kayo ma-pressure.

Concern lang … YORME.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *