You are my hiding place; you will protect me from trouble and surround me with songs of deliverance.—Psalm 32: 7
DAPAT hanggang maaga pa lang ay malaman na ito ng pamunuan ng Caritas Manila—ang charitable institution ng Simbahang katoliko.
Ito kasi ang nakarating sa ating kaalaman na nitong nakalipas na Barangay election ay may ilang kandidato sa Barangay ay gumamit ng mga relief goods ng Caritas at ipinamahagi sa mga botante.
Naku ha? Bawal ‘yan!
***
MAITUTURING itong isang vote buying dahil sa panunuhol sa mga botante ng mga bagay na kapalit ang pagboto sa isang kandidato.
Naganap umano ito sa Barangay 672 District 5 sa Paco, Maynila sa kasagsagan ng araw ng botohan nitong Lunes, Oktubre 28.
***
ANG laman umano ng relief goods na galing sa Caritas Manila at nakapaloob sa isang supot na may tatak ng naturang institution ay 3 sardinas at 2 noodles na ipinamahagi ng isang Kandidato.
Ayaw natin maniwala na sumawsaw sa politika ang Caritas Manila na nakabase d’yan sa kanto ng Nagtahan bridge sa Pandacan, Maynila.
***
MAARING ginagamit ng kandidato ang Caritas para sa kanyang pansariling interest sa politika.
Pero malinaw na pinagalitan ang isang Mirriam na kawani umano ng Caritas na siyang nagbigay umano ng signal upang i-distribute ang mga relief goods sa mga botante ng nabanggit na Barangay.
***
SINUBUKAN po natin kunin ang panig ni Father Anton Pascual ang Spiritual Director ng Caritas Manila, pero wala ito sa kanyang tanggapan.
Subali’t naniniwala ang inyong lingkod na hindi makakapayag si Fr. Anton na magamit ang kanyang charitable institution sa mga gawain pampolitika ng sinuman indibidwal o grupo, kahit pa sa barangay level lamang.
Dahil nanatiling apolitical ang Caritas!
MARAMING SALAMAT
BARANGAY 659-A
MULI po tayong nagpapasalamat sa mga Kabarangay natin sa Barangay 659-A Zone 71 (Arroceros) sa ipinakita nilang suporta sa atin sa nagdaang halalan.
Ang inyong Lingkod, kasama ang aking mga Kagawad na sina Robert Bunda, Arturo Arroyo, Neil Tupaz, Robert Bilan, Ronilo Bunda, Hilda Perit at Jeaneth Bengaro ay taos pusong nagpapasalamat sa muling pagtitiwala sa ating Barangay.Maraming maraming salamat sa inyo mga Kabarangay!
SA mga Kabarangay natin naiintriga sa resulta ng botohan sa ating barangay, narito po ang official result. Ang tatlong losing Barangay candidates ng Barangay 659-A na lakas loob na lumaban sa atin ay sina Zenaida Benjamin na nakasungkit pa ng 11; si Nilo Ibacita, ay suwerte pang may 15 boto at Robert Brent Mendozana nakakuha ng 8 boto.
Ang inyong abang Lingkod naman ay nakakuha ng 559 boto sa kabuuan nang pagtatapos ng halalan nitong Lunes. May naitala pa sa ilang presinto ng ating Barangay na zero ang nakuha boto ng tatlong Ogag na halatang nag-aambisyon lamang makapasok sa politika.
Mga Kabarangay, Chairwoman po ule tayo ng 3 taon!
MABUHAY KA, COUN. RE FUGUSO!
AKSIDENTE nakausap natin si Councilor Re Fuguso ng 3rdDistrict sa isang restaurant sa Pasay City. Blooming pa rin ang Konsehal at hindi nagbabago ang angking kagandahan at kabutihan sa loob at labas na anyo.
Nagpa-abot siya nang pagbati sa atin nang makarating sa kanyang kaalaman ang muli natin pagwawagi sa Barangay. Isa si Konsehal Fuguso sa hinahangaan natin Konsehal sa Konseho, na nagmula sa angkan ng mga beteranong politiko sa Maynila. Simple at humble pa rin ang Konsehala.
Mabuhay ka, Coun. Fuguso!
PAGBATI: Narito pa ang pagbati ng ilang natin kaibigan nang malaman muli natin nakuha ang Barangay 659-A.
“Your victory sweetened the sour treatment you got from the most corrupt officials the city ever had,” —Anonymous
Mabuhay ka Chairman, landslide victory ka!—from Boss Joey Venancio of police files tonite
Congrats Chairman, kaw na!—from Boss Jerry Yap of Hataw
Mommy kaw pa rin! Congratulations!—Ch. Romeo Castro
Tunay ka kakampi ng mga manininda Chairman Ligaya, mabuhay po kayo!—Arroceros vendors
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos