NAKATAAS sa signal number 1 ang 13 lugar sa hilagang Luzon dahil sa bagyong si Vinta.
Ayon sa ulat ng Pagasa, kabilang sa mga nasa ilalim ng babala ng bagyo ay ang Cagayan, Calayan Group of Island, Babuyan Group of Island, Apayao, Kalinga, Mt. Province, Benguet, Ifugao, Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino at Nueva Ecija.
Ang mga lugar na nabanggit ay makararanas ng lakas ng hanging aabot sa 30 hanggang 60 kph.
Huling namataan ang bagyong Vinta sa layong 700 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 22 kph patungo sa pakanlurang direksyon.
Ngayong ng tanghali ay inaasahang tatama ito sa Isabela o Cagayan, bago mananalasa sa hilagang Luzon.