Friday , November 15 2024

Lacson, pumuputak kapag wala sa pugad

NAGPUPUPUTAK at parang manok na hindi makapangitlog si dating Sen. Panfilo Lacson kontra sa pork barrel na kung tawagin ay Disbursement Acceleration Program (DAP) sa ginanap na pagtitipon ng Philippine Constitution Association (Philsconsa) kamakailan.

Tila nabigo si Lacson sa inaasahan niyang mayayanig ang publiko sa kanyang mga ibinulgar, dahil marami ang nagdududa sa tiyempo,  lalo na’t ginawa niya ito sa panahon na hindi niya masungkit ang inaasam na puwesto sa administrasyong Aquino.

May mga kumukuwestiyon din kung bakit hindi ito ginawa ni Lacson sa loob ng 12 taon niyang pananatili sa Senado, dahil kung tutuusin, nagamit sana niya ang mga hawak na datos upang magbalangkas ng batas na magtutuldok sa mga pang-aabuso sa kaban ng bayan.

Kaya marami ang nakataas ang kilay at nagtatanong: “Bakit ngayon lang, Mr. Lacson?”

Ganito rin kaya ang sasabihin ni Lacson sakaling nabigyan siya ng puwesto sa administrasyon ni P-Noy?

SEC. COLOMA, SPOKESMAN

NG UNA AT OPOSISYON?

NAGPRESINTA si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., na siya ang magsagawa ng press conference sa Palasyo ng tatlong beses sa isang linggo.

Akala siguro ni Coloma ay siya ang makapaglilinaw sa publiko ng mga kontrobersiyal na isyung ipinupukol sa administrasyong Aquino.

Pero unang arangkada pa lang ni Coloma ay nalito na ang taong bayan sa kanyang pinagsasabi, lalo na’t lihis sa mga paninindigan ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanyang pahayag, gaya ng pagbibigay katuwiran sa paghingi ng apology ng pangkat ni sentensiyadong mandarambong, pinatalsik na pangulo at “umaastang mayor” ng Maynila Joseph ‘Erap’ Estrada sa Hong Kong dahil sa 2010 Luneta hostage crisis, bilang ‘act of goodwill’ ng Manila at sister city raw ng Hong Kong.

Nang bumanat naman si Lacson laban sa pork barrel at DAP, sabi naman ni Coloma, ‘fair’ at ambag daw ito ng dating senador sa paglilinaw sa isyu.

Kung ganyan pala ang takbo ng isip ng isa sa mga tagapagsalita ng Palasyo, malamang na hindi matapos ng administrasyong Aquino ang termino hanggang 2016 dahil lumalabas kasi na may basehan pala ang kritisismong nagpapatuloy ang pagwawaldas sa pondo ng bayan sa ilalim ng liderato ni Pangulong Noynoy.

Dapat pa bang pagtakhan si Coloma, hindi ba’t kampi rin siya sa joint venture agreement ng IBC-13 at R-II Developers Inc., at Primestate Corp., ni Reghis Romero kahit lugi ang gobyerno ng hanggang tatlong bilyong piso sa itinuturing na midnight deal sa rehimeng Arroyo?

Mahirap na maging katangian ng isang miyembro ng gabinete na kumakatig sa mga isyung siya’y kakabig kahit ito’y sabit, hindi ba Sec. Coloma?

Hindi na nga nangangailangan ng kalaban si P-Noy dahil nandiyan naman si Coloma.

“TAKTIKANG PUSIT”

NI SEN. JINGGOY

PAGBALIK daw sa bansa ng isa sa mga pangunahing akusado sa plunder case kaugnay sa P10-B pork barrel scam na si Sen. Jinggoy Estrada ay may pasasabugin siyang malaking isyu.

“Praise release” pa lang ng anak ng sentensiyadong mandarambong ay nananabik na ang ilang grupo na tila nagka-amnesia dahil nabura na yata sa kanilang memorya na ang senador ay wala ni katiting na moral authority para bumatikos hinggil sa katiwalian.

Kung hindi amnesia ang dumapo sa kanila, malaki ang posibilidad na natapalan ng kuwarta para ang paniwalaan na lang ay ang pagmamalinis ng isang akusadong mandarambong na lumalangoy sa karangyaan.

Susme, kaya hindi na makahakot ng daan-daang libong katao ang mga kilos-protesta laban sa pork barrel ay mistulang nagsisilbi na ito para pagtakpan ang pananagutan ng mga akusado sa P10-B pork barrel scam at matuon na sa administrasyong Aquino na nais magselda sa mga nagwaldas sa kaban ng bayan.

Kaya nga mas naniniwala tayo sa isinusulong ni dating Chief Justice Reynato Puno na people’s initiative o inisyatibang bayan bilang pinakamabisang paraan upang lumikha ng batas na magtutuldok sa pork barrel system.

Sa ganitong paraan ay mawawalan na ng paraan ang mga opisyal ng pamahalaan na pagsamantalahan ang kaban ng bayan.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *