PAMINSAN-MINSAN, makaraan man ang holidays o matapos ang nakai-stress na trabaho, ang iyong enerhiya ay bumababa o nakararamdam ng pagod ang katawan.
Ang pag-focus sa iyong home feng shui upang makatulong sa pagpapataas ng iyong energy levels ay magandang ideya.
Maaaring wala kang sapat na enerhiya para masimulan ang paglilinis sa mga kalat o pagsasagawa ng malawakang pagsasaayos ng mga furniture, ngunit maaari ka pa ring magsagawa ng easy feng shui solutions para makatulong sa iyo.
Narito ang mabilis na feng shui tips upang makatulong sa iyong pagpapanariwa ng enerhiya ng iyong katawan at para muling mapasigla sa pamamagitan ng paggamit ng five elements theory kasabay ng ano mang detox/cleansing program na iyong mapipili.
• Linising mabuti ang inyong kusina at idispatsa ang unhealthy foods.
• Magdala ng herbs katulad ng basil, rosemary o mint (Wood feng shui element), ideyal na nakalagay sa clay pots (Earth feng shui element) at maghanap ng magandang lugar nito sa inyong kusina.
• Panatilihing mayroong sariwang tubig sa lugar. Mainam na ideya ang paglalagay ng spring water bottles (Water feng shui element) na iyong papalitan kapag naubos.
• Maglagay ng 9 oranges (Fire feng shui element) sa round metal bowl (Metal feng shui element). Palitan din ito kung kinakailangan.
• Tiyaking makapasok ang hangin sa kusina nang madalas at hayaan ang natural light.
Kung mayroong good feng shui energy na dumadaloy sa kusina, ikaw ay magkakaroon ng malakas na support system sa lahat ng iyong health-related initiatives.
Lady Choi