Put on the full armor of God so that you can take your stand against the devil’s schemes. —Ephesians 6: 11
SA wakas natapos na rin ang Barangay election. Nakahinga na rin nang maluwag ang mga kandidato, habang nag-iisip naman ang mga talunan kung bakit hindi sila nagwagi.
Sa ating Barangay 659-A, humalik sa alikabok ang tatlo natin kalaban sa pagka-Punong Barangay.
Olat po ang tatlong ogag!
***
ALAM naman ng mga nakalaban natin na ipinantapat lamang sila sa atin sa pag-aakalang matataob tayo sa ating barangay.
Ngunit bigo silang lahat. Napanalo din natin ang ating pitong Kagawad na katuwang natin sa pagpapapaganda at pagpapaunlad ng ating barangay.
Mabuhay kayo mga Kabarangay!
PEACEFUL
AND ORDERLY
SA ARAULLO HS
UNA, pasalamatan po muna natin ang mga guro na nagsilbing Board of Election Inspector (BEI) at tagapagbantay sa ating mga boto. Dahil sa kanila ay naging matiwasay, mapayapa ang Barangay election sa ating bansa.
Partikular natin batiin ang mga maasikasong BEI officers sa Araullo High School dito sa United Nations Avenue, Maynila. Maganda ang naging takbo ng halalan sa buong eskwelahan na ikinasiya ng lahat ng kapwa kandidato at botante.
***
KAYA personal kong ikino-congratulates ang mga guro sa pangunguna ng kanilangprincipal na si Isabella Geron at over-all supervisor na si Mrs. Soriano sa maayos na pangangasiwa sa halalan sa Araullo High School.
Lalo na ang mga BEI officers sa ating presinto (2658) mula sa room 304, 305 at 306 na sina Liezel Evangelista, tumayong Chairman, Flordeliza Serrano, poll clerk at Eloisa Gulmatuco, 3rd member.
***
GAYUNDIN sina Gloria Montero, Chairman ng BEI, Jonathan Antonio, poll clerk at Marcos Panto Bondon, 3rd member at sina Edmund Villareal, chairman, Jeannie Rose Cali, poll clerk at Joyce Antonette Garcia, 3rd member.
Ang mga nabanggit ay maayos na nagampanan ang kanilang tungkulin sa halalan kahapon. Walang reklamo, walang aberya, walang naging problema.
Good job mga Sir, Ma’m!
BRGY ELECTION SA MAYNILA
HABANG isinusulat natin ang kolum na ito patuloy ang nagaganap na Barangay election lalo na rito sa Lungsod ng Maynila.
Gaya nang inaasahan, tipikal pa rin ang reklamo tuwing may halalan, katulad ng pagkawala sa listahan ng mga pangalan ng mga botante sa voters’ master list, pagkaiba iba ng presinto, magulong bilangan at iba pa.
***
HALIMBAWA na lamang ang nangyari sa mga katabi natin Barangay——ang Barangay 659 at Barangay 663.
Sa Barangay 659, sitting pretty lamang ang ating katotong si Barangay Chairman Nestor Mabalag dahil walang naglakas-loob na lumaban sa kanya. Pero ang nagrarambulan ay ang mga tumatakbong Kagawad.
Nag-uunahan kasi mag-No.1!
***
DITO naman sa Barangay 663, hala may mga pumapasok na ‘flying voters’ na dahilan ng kaguluhan sa kani-kanilang presinto.
Dyusko naman ‘wag naman nilang gamitin na ‘malakas’ sila sa City hall lalo na ang kandidato na si dating Barangay Chairwoman Erlinda Constantino. Alam namin sumuporta ka kasama ang anak mo si Evangeline sa kandidatura ni Presidente Erap, pero puwede ba ‘wag n’yo gamiting pasaporte para manalo kayo.
Dahil ayaw ni Presidente Erap nang ganyan!
***
SAMANTALA, hindi pa natin alam ang kapalaran ng ating mga katotong sina Thelma Lim, Ben Kalalo, Sally Dy, Bal Billanes at Noy Dumagat na pawang nagsipagtakbo bilang Punong Barangay.
Pero sa palagay ng inyong Lingkod, no contest ang kanilang mga katungali sa kanila, dahil patunay ang malinis na track record nila sa barangay.
Tiyak ko, sure winner silang lahat!
TENT ORGANIZER
SA BONIFACIO SHRINE,
HINAHABOL NG BIR?
PUNTIRYA pala ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga tiange na nagkalat ngayon tuwing Kapaskuhan.
Teka, ito ba ang dahilan kung bakit hindi maumpisa-umpisahan ang tiange d’yan saBonifacio Shrine sa Arroceros?
***
MAY dalawang Linggo na kasi nakatengga ang mga orange tents na nakapuwesto dito at halos tatlong tents lang ang may laman paninda.
Totoo kaya ang nalaman natin na nagtatago raw ang tent organizers nito dahil, hindi nagbabayad ng sapat na buwis sa gobyerno? Karaniwan kasi tumatabo ng milyon-milyon ang organizer ng mga tiange, samantala kakarampot naman ang kinikita ng mga nagtitinda.
***
ANG organizer umano ang siya rin naglatag ng mga paninda sa Baclaran area. Kinombinse ang mga kapatid natin Muslim na magbigay sa kanya ng “goodwill money” para mapapayag umano nila ang Alkalde ng Parañaque City.
Pero in the end, bigo ang organizer na mapapayag si Yorme, kaya hayun pinalayas sila sa Baclaran, kaya rito naman sila itinaboy sa Maynila.
***
ANG gulong iniwan ni organizer sa Baclaran ay dito naman niya dinala sa Bonifacio shrine. Marami mga kabarangay natin vendors ang nagrereklamo, nakapagbigay na sila ng downpayment mula sa P15,000 hinihinging “goodwill money” ni organizer, pero hindi sila napasama sa mabibigyan ng puwesto sa Bonifacio shrine.
Anyare sir?!
***
ANG tanong, sino ba ang nagdala saorganizer na ‘yan sa Maynila? Sino ang kanyang mga nakausap na opisyal ng Manila City hall?
Sino ang kanyang padrino? Sino ang binusalan niya ng salapi upang mapapayag na maglatag ng paninda at gawing tiange ang buong shrine ni Gat Andres Bonifacio?
Presidente Erap, sino nga po ba may raket d’yan?!
Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes.
Chairwoman Ligaya V. Santos