Monday , December 23 2024

QCPD PS 4, tindi ng ‘anting-anting!’

NANINIWALA ba kayo sa mga anting-anting?

Marami pa rin ang naniniwala habang marami rin ang hindi.

Nand’yan iyong anting-anting na kapag suot mo raw ito ay hindi ka tatablan ng bala o kung ano-ano pa. Nandiyan din iyong nagiging invisible ka pa raw at nand’yan din iyong hindi ka tatablan ng itak o taga.

Well, kanya-kanyang paniniwala lang iyan pero, marami na tayong nababalitaan na maraming may anting-anting na hindi raw sila tinatablan ng bala ngunit dedo rin naman sila.

Ano pa man, inirerespeto ko ang paniwala ng mga may hawak ng kung anong uri ng anting-anting.

Pero sa kabila ng lahat – hindi rin kasi ako naniniwala sa anting-anting, tila’y gusto ko na yatang maniwala sa sinasabing “black power” na ito. Bakit?

Paano kasi, mukhang mayroon anting-anting ang mga pulis natin – oo, mukhang hindi sila tinatablan ng bala o hindi kaya ay umiiwas sa kanila ang bala.

Patunay na tila totoo ang black magic ay ang mga pulis na hindi tinatamaan sa tuwing may nakaeenkuwentro silang holdaper, karnaper at ano mang uri ng kriminal. Yes, sa tuwing may nangyayaring shootout, parating hindi tinatamaan ng pulis sa kabila ng sinasabi nilang malapitan silang pinaputukan ng mga suspek kaya, napilitan silang paputukan naman ang mga masasamang elemento na nagreresulta sa kanilang pagkamatay. Habang ang mga pulis na naunang pinapatukan nang malapitan ay parating himalang walang tinatamaan.

Walang tinatamaan kasi nga po may anting-anting yata sila. Ha ha ha …

O naniniwala na ba kayo sa anting-anting? At kung gusto n’yong magkaroon nito, manghingi kayo sa mga kaibigan n’yong pulis. Mayroon sila nito lalo na iyong madalas na nasa ‘operasyon.’

Sa Quezon City, mukhang nagamit na naman ng ilang pulis ng Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station 4, ang kanilang anting-anting. Bwa…ha…ha…ha…paano kasi, kamakailan ay napaenkuwentro ang mga operatiba sa dalawang karnaper. Hayun, dahil siguro sa anting-anting ay walang tinamaan sa mga pulis. Ayos! Bale, ano iyan…salamat sa anting-anting o ano?

Ganito po kasi iyan – nitong Oktubre 27, 2013 dakong 12:30 am, natangayan ng motorsiklo ang isang lalaking residente rito matapos agawin sa kanya ng dalawang karnaper.

Agad naman ipinaalam sa PS 4 ng biktima ang insidente. Hindi naman nagdalawang –isip ang mga operatiba. Sa bawat hinihinalang lugar na maaaring daanan ng dalawang suspek, ay mabilis na nagpuwestohan ang mga operatiba.

Ilang sandali, dalawang lalaking lulan ng isang motorsiklo ang paparating sa itinayong checkpoint “Oplan Sita.”

Dahil sa kahinahinalang ikinikilos, pinatatabi daw ng mga operatiba ang sasakyan ng dalawa para sa inspeksyon at ilan pagtatanong pero imbes tumabi ang dalawa, kanilang pinaputukan ang mga pulis.

Hayun! Ang senaryo, mukhang gamit na naman ng mga pulis-Nova ang kanilang anting-anting. Kasi himala na namang walang tinamaan sa kanila. Galing ng kanilang kapangyarihan ano?! Sana lahat ng pulis ay mayroong anting-anting.

Yes, wala na naman tinamaan sa mga pulis . Dalawa lang ang puwedeng nangyari – maaaring nagawang ilagan ng mga pulis ang bala o ‘di kaya, dahil sa suot ng mga pulis ang kanilang anting-anting ay hindi sila tinablan ng bala o iniwasan sila ng mga bala.  Galing naman ng anting-anting ng mga taga-PS 4.

Kaya, napilitan na paputukan ng mga pulis ang dalawang suspek. Patay agad ang dalawa nang tamaan ng bala mula sa mga maiinit at nagbabagang baril ng mga pulis. Bukod sa maiinit na daliri ng mga pulis na kumalabit sa katilyo ng baril. Bang! Hayun patay na naman ang dalawang karnaper. So, ang resulta, nabawasan uli ang mga kriminal na umiikot sa Quezon City.

Galing talaga ng PS 4.

Anyway, kudos sa PS 4. Good work po mga sir. Nabawasan na naman ng salot ang bansa.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *