Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Purisima vs Roxas ba sa 2016?

MAY political analysis na ang sigalot na bumabalot ngayon sa Bureau of Customs habang nalalapit na ang end ng 2013 fiscal year, gaya nang inaasahan ay bagsak na muli, ay may kinalaman daw sa presidential elections sa 2016. Ngayon palang poporma na ang mga naghahangad na tumabo sa 2016.

Ang tumutunog na pangalan ay kina DILG Secretary Mar Roxas, na hindi naman naitago ang kanyang pangarap na maging pangulo ng bansa at si Finance Secretary Cesar Purisima na bukod sa may international stature ay head pa ng economic team ni P-noy. Parehong mga bata ‘ika nga ni P-noy.

Isa sa nakikitang observation ng political analysts ay sapagkat tila daw “demolish” na ang opposition tulad nina Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Handiyan pa din si Senator Bongbong Marcos na balitang aarangkada na sa 2016. Tila pilit na isinasabit si Marcos sa pork barrel scam pero tila hirap na makakita ng butas tulad ng mga butas na nasilip king Bong , Jinggoy at ex-senate president JPE na may political clout pa, pero marahil hindi na ngayon.

E kung ganoon pala, maluwag ang space para sa mga nag-aambisyon from administration party sa pagka-president?

Ito raw Bureau of Customs ay siyang center of infighting between Purisima, na noon pa mang kumalas kay GMA noong 2005 (sila ay tinaguriang HYATT 10), at Roxas na sanggang dikit kay P-noy.

Si Biazon ay kilalang bata-bata ni Roxas (pareho silang taga-Liberal Party) samantala si Purisima na ngayon ay nagpapatupad ng malawakang reform sa BoC, ay wala naman sa LP. Sa mga pagkilos ng Purisima Camp sa Bureau tila hindi nila gustong manatili si Biazon nang matagal.

Pero huwag ka, ang ating balita ini-endoso na sa LP hierarchy ang ano mang may kinalaman sa Biazon issue. Ang LP na ang bahalang humawak ng ano mang kaso ni Biazon. Tila ito ay ating naobserbahan nang magpakita si Biazon ng lakas ng loob kay Purisima sa pamamagitan ng pagsalungat sa mga Order ni Secretary. Ang kanilang away ay kumalat na sa media.

Hindi ba’t nag-isyu si Biazon kamakailan ng statement ukol sa mga criticism ni Purisima kung bakit hindi niya sinusunod ang ilang order, tulad ng reassignment ng BoC personnel.

Ang naging sagot ni Biazon (remember, hindi I’m sorry) ay sapagkat bilang ground commander (customs chief) kailangan niyang gumawa ng “battlefield” decision. O, hindi matapang na statement ito?

Si Purisima ay kilalang stalwart ng HYATT 10 na kumalas sabay-sabay kay GMA noon. Karamihan nila tulad ni Dinky Soliman, Geng Deles, Purisima, Butch Abad, dating BoC Chief Lina at dating BoC Chief Parayno ay nasa likod ni DoF chief. Balita hihingi ng ayuda si Purisima sa mga businessmen. Si Biazon naman ay balitang suportado ng religious associations (mga Katoliko na at INC)?

Seguro marami pang puputok na isyu sa darating na araw sa customs. Ito ay pagpapatalsik sa 13 director na pawang presidential appointees. Nauna nang tinanggal ang mga deputy commissioner, itinapon sa DOF ang 27 collectors at iyong darating na batch ng mga director.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …