Wednesday , November 13 2024

P.5-M pinsala sa nasunog na paaralan

MAHIGIT kalahating milyong pisong halaga ng ari-arian at estruktura ang naabo nang masunog ang apat na silid-aralan sa ikalawang palapag ng isa sa mga gusali ng P. Burgos Elementary School sa Altura St., Sampaloc, Maynila.

Nabatid mula kay Fire Chief Inspector Jeffrey Gano ng Manila Fire Department, umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa mga silid-aralan sa isa sa dalawang palapag na gusali na magsisilbing presinto sana sa halalan kahapon.

Dakong 10 p.m. kamakalawa ng gabi nang sumiklab ang apoy at ganap na naapula dakong 10:30 p.m.

Agad kumilos ang pamunuan ng paaralan upang maipatupad ang botohan na sinimulan 7 a.m. kahapon.

Sinabi ni Mrs. Julia Llabore, master teacher ng paaralan, kanilang inilipat sa iba pang silid aralan ang mga apektadong presinto upang matiyak na makaboboto ang mga residente sa barangay. (LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *