ANO ang mas mainam na office feng shui? Ang nakaharap sa dingding na bad feng shui, o nakaharap sa bad feng shui direction? Paano kung ang feng shui ng office desk positioning sa trabaho ay hindi maaaring baguhin?
Maituturing na challenging ang office feng shui situation na ito. Gayunman, ganito ang kaso sa maraming mga opisina – ang kanilang office feng shui ay hindi wasto.
Ang pinakamainam na paraan ay ang suriin kung ano ang magagawa upang mapabuti ang feng shui ng inyong office, upang makatulong na mapabuti ang iyong kagalingan sa trabaho at kalusugan.
Ang best feng shui ay matatamo sa pamamagitan ng pag-eeksperimento, kaya huwag mag-atubiling mag-eksperimento ng mga opsyon sa inyong opisina at tingnan ang resulta, lalo na kung ang existing office feng shui ay nakapagdulot ng hindi maganda sa iyong kalusugan at kagalingan.
Magsimula tayo sa basics ng good feng shui sa opisina man o sa bahay: sa kalidad ng liwanag at hangin. Mayroon ka bang magagawa kaugnay nito sa inyong specific office area?
Maaaring maraming restrictions sa bawat opisina, ngunit posibleng mayroon pang paraan na mapagbuti ang inyong workspace.
Subukan ang lahat ng feng shui possibilities at suriin kung posible itong ipatupad sa inyong office space.
Kabilang sa banayad na feng shui suggestion para sa mainam na kalidad ng hangin ay kinabibilangan ng:
• air purifying plants na nagdudulot ng maraming benepisyo kabilang ang paglilinis ng hangin
• maliit na fountain (kung possible)
• electrical air diffuser
• maliit na air purifier
Ang feng shui suggestion naman para sa mainam na kalidad ng liwanag ay:
• pagkakaroon ng appropriate task lamp
• paglalagay ng matingkad na mga kulay (color is light) sa wastong office décor items, katulad ng mga larawan, bright colors sa office supplies, etc.
• paggamit ng full-spectrum lamp, kung posible.
• pagpapalawak ng exposure sa natural light.
Kapag nagawa na ang must-have basics para sa good office feng shui, mag-focus naman sa kung ano pa ang iyong magagawa para rito.
Lady Choi