Wednesday , November 13 2024

Market inspector utas sa tambang

PATAY noon din ang market inspector makaraang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki sa Brgy. Commonwealth, Quezon City kahapon ng umaga,

Sa ulat na nakarating kay Chief Supt. Richard Albano,  Quezon City Police District (QCPD) Director, mula sa QCPD Police station 6, ang napatay ay si Roger Pineda, 38, market inspector sa Commonwealth Market sa Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Ayon kay PO3 Laila Agati ng PS-6, si Pineda ay pinagbabaril ng dalawang armadong lalaki sa Steve St., partikular sa likuran ng Commonwealth Market dakong 9:45a.m.

Kagagaling lamang ng biktima sa palengke at naglalakad papauwi nang pagbabarilin.

Matapos ang pagpatay, kaswal lamang na naglakad ang mga suspek sa pagtakas.

Nitong nakaraang Biyernes, pinaslang naman ang administrative staff-collector ng naturang palengke na si Rosario Tortoles, 52-anyos.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente na posibleng may kinalaman sa trabaho ng mga biktima.

(A. DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *