HALOS umabot na sa 3,000 ang naitalang aftershocks sa Central Visayas makaraan ang magnitude 7.2 quake na yumanig sa rehiyon nitong Oktubre 15, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon.
Sa 6 a.m. update, sinabi ng NDRRMC, nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology ng 2,937 aftershocks hanggang 12: a.m. kahapon.
Sa nasabing bilang, 78 ang naramdaman.
Ayon pa sa NDRRMC, umabot sa 671,779 pamilya o 3,217,094 katao ang apektado ng lindol sa 1,527 barangay sa 60 bayan at anim lungsod sa anim lalawigan.
Umabot na sa 215 ang bilang ng mga namatay habang 760 ang sugatan at walo ang hindi pa natatagpuan. (HNT)