Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ulo ng kelot napisak sa ambulansiya at trak

ILOILO CITY – Basag ang ulo ng isang lalaki at kritikal naman ang kanyang kasama matapos masagasaan ng ambulansya at truck habang tumatawid sa Brgy. Tabuc Suba, Jaro, Iloilo City.

Ang biktimang namatay ay kinilalang si Crudjie Yap y Osano ng Brgy. 2 Poblacion, Cadic City, Negros Occidental.

Nilalapatan ng lunas sa West Visayas State University Medical Center ang kasama niyang si Jonel Blaida y Golapane.

Ayon sa barangay tanod na si Eli Siera, mabilis ang takbo ng ambulansiya na nakasagasa sa mga biktima at tumakas pa matapos ang insidente.

Nagkataon na may isa pang elf truck na dumaan at muling nasagasaan ang mga biktima dahilan ng pagkabasag ng ulo ni Yap.

Nahuli ng mga pulis ang driver ng elf truck na kinilalang si Zaldy Gonzales ngunit itinanggi niyang siya ang nakasagasa sa mga biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …