Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Iboto ang matinong kandidato sa barangay

ELEKSYON na sa barangay!

Lumahok tayo sa halalang ito. Ito’y napakahalaga para sa kaayusan ng barangay. Iboto lamang ang tama – -matitinong mga kandidato, ‘yung walang bisyo, maayos kausap at walang bahid ng anumang kriminalidad dahil -nakasalalay sa mga manunungkukan sa barangay sa loob ng tatlong taon ang kaayusan at katahimikan na gusto -natin mangyari sa ating komunidad.

Go out and vote wisely!

Taryahan sa Soler,

Binondo (Manila)

– Report ko po rito sa Soler St., sa 168 at 999 malls, grabe pa rin ang laki ng tarya nila. P350 a day! Pagdating ng Nobyembre at Disyembre tataas pa. Si Alejandro ang -nagpapatarya dito pati yung pulis na si David. Sana lagyan ni Mayor Erap ng surveillance camera para matigil na ang pagpapahirap nila sa mga vendor. Pamilya Alejandro -kandidato sa eleksyon ngayon. Gusto nilang makopo lahat ng puwesto sa barangay mula tserman hanggang mga -kagawad. Matalo sana sila. Kawawa talaga yung malls dito, pinalagyan nila ng maraming vendors kahit binawalan sila, sa gilid pa naman ng malls. Mayor Erap, paimbestigahan nyo po itong si Alejandro. Nagpapayaman sa hindi niya pinagpaguran. – 0907260….

P8K bayad sa PRC

sa pag-exam

sa electrician

– May tanong lang po ako. Bakit pag nag-exam sa PRC para maging lisensiyadong electrician, yun pong master ay may bayad na P8,000? Buti pa sa TESDA ka mag-aplay ng lisensya P1,500 lang ang halaga. Tama po ba? Kasi kawawa naman kaming electrician na walang kakayahang magbayad ng kanun kalaking halaga. – Angelito Paglinawan ng -Sariaya, Quezon.

Hindi ko alam ang proseso ng pagkuha ng exam o -lisensya sa PRC pero kung ang lahat ng binabayaran mo ay may opisyal na resibo, ‘yan ay legal. ‘Pag walang resibo, raket ‘yan!

Grabeng trapik araw-araw

sa Balagtas, Bulacan

– Iparating ko lang po sa kinauukulan ang araw-araw na nararanasan ng mga motorista dito sa haba ng trapik na likha ng ginagawang tulay sa Brgy. San Juan, Balagtas, Bulacan. Araw-araw po, lalo na pag rush hour ay napaka-tindi ng trapik na umaabot ng Intercity Rice Mill na -nasasakupan ng bayan ng Bocaue. Napansin ko po na -walang tanod ng barangay na aalalay sana sa daloy ng -trapiko na nakasasakop na barangay sa ginagawang tulay. Kaya ipinanawagan ko sa mga mananalong barangay -officials ngayon dito sa Brgy. San Juan na magtalaga ng kanilang mga tanod na magmimintina at umalalay sa mga motoristang dumadaan sa nasabing tulay. Akin ding -pinanawagan sa mga kapulisan, kay traffic chief Dumaraos, na gumawa ng hakbang para maibsan itong pagsisikip ng mga sasakyan. Nawa’y masolusyunan na ang nararanasang ito ng mga motorista sa lugar na ito. Maraming salamat. – Concerned citizen

Nolasco school

bantayan… (Tondo)

– Sir, sana paki-tutukan ng media at Comelec ang -barangay election dito sa Nolasco school kasi po yun mga kandidato may kasabwat na mga titser. Nagkaka-dayaan na po lalo na itong Brgy. 92 Zone 8, District 1, Tondo, Manila. – 09332626…

Magtiwala po tayo sa mga titser. Kailangan lamang na magkaroon kayo ng watchers upang mabantayan ang mga boto ninyo lalo na’t manual ang halalan ngayon. Maraming hokus-pokus sa ganitong sistema ng halalan.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …