Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bumoto nang dapat at tama

Finally, be strong in the Lord and in his mighty power.—Ephesians 6:10

PAALALA sa atin ni Mayor Alfredo Lim: Iboto n’yo ang kandidato na makapagbibigay ng serbisyo sa publiko!

Tama mga Kabarangay, piliin lamang ang mga kandidato na may sapat na kakayahan maglingkod, hindi mga kandidato self-serving o pinaglilingkuran ang kanilang sarili, kamag-anak o kaibigan.

***

MAHALAGA ang araw na ito sa ating mga Kabarangay, ang pagpapasiya kung sino ang mamumuno sa inyong komunidad ay nakasalalay sa inyong mga boto.

Kung ang dating namuno sa inyong barangay ay nakagawa ng kaaya-aya, mga proyektong nakatulong sa komunidad, walang naging kaso sa Ombucdsman mga katangian karapat-dapat, ‘yan ang dapat iluklok, pero kung ang mga nabanggit ay wala sa kanila na napipisil na kandidato, may kuwestyonableng pagkatao, aba’y isip-isip mga Kabarangay.

Tatlong taon uli kayo magdurusa!

***

MANO-MANO ang pagboto ngayong araw. Ang mga botante ay kailangan magsulat sa balota ng kandidato na kanilang iboboto.

Isang Barangay Chairman o Chairwoman at pitong kagawad ang dapat isulat bago ihulog sa urna.

***

HINDI ito automated o computerized election na gaya noong nakaraang 2013 national election na bibilugan mo lamang ang kursunada na kandidato sa balota.

Hindi gagamit dito ng PCOS machine na ipapasok at mabibilang agad ang iyong boto. Sa manual voting, ihuhulog mo ang iyong balota sa urna o ballot boxes at mano-mano rin bibilangin ang iyong boto sa blackboard ng presinto.

***

ISULAT nang malinaw ang ibobotong kandidato, kung ang kanyang palayaw ang isusulat dapat ay may kaakibat na surname o apelyido dahil maaaring may kapareho palayaw ang kapwa niya kandidato.

Higit sa lahat, maaga po tayong magpunta sa presinto, upang hindi tayo magahol sa oras, dahil hanggang alas-3:00 ng hapon lamang ang itinakda ng Comelec sa pagboto.

Boto na mga kabarangay!

MBB CHIEF, SINABON

NI PRESIDENTE ERAP

MAY nakarating sa ating impormasyon na ‘sinabon’ daw pala niPresidente Erap si Jesus Payad, officer in charge ng Manila Barangay Bureau (MBB).

Ito’y makaraang makarating sa kaalaman ni Presidente Erap ang kawalang modo, bastos at aroganteng inasal sa dalawang abogada na isinulat natin nitong Huwebes, Oktubre 24.

Beeee, buti nga!

***

BINASTOS ni Payad si Atty. Cherry Canda-Melodias, CESO V ng DILG-NCR nang tumangging pumirma sa kuwestyonableng pagbili ng isang motorsiklo na may halagang P300,000.

Binulyawan at nagdabog naman sa kanyang mesa si Payad habang kausap ang isang dating lady city fiscal ng Maynila.

Take note, kapwa babae ang kausap ni Payad!

***

ANG ganitong ipinakitang ugali ni Payad ay hindi nababagay sa opisyal ng gobyerno. Hindi siya magandang ehemplo sa gobyerno na naglilingkod sa publiko.

Unbecoming of public officials ang pagiging arogante sa pakikitungo sa tao. Baka nakakalimutan ni Payad na siya ay isang public servant?

At hindi ka boss!

***

NAKU, Pangulong Erap, hindi lamang dapat sinabon si Payad, dapat sipain na sa MBB dahil nakasisira sa inyong imahe at magagandang layunin sa Maynila ang kagaspangan ng pag-uugali na ipinakikita niya sa publiko.

Marami ang nagpapaabot din ng reklamo laban kay Payad na halos 897 Barangay Officials ng Maynila ay masama angfeedback o karanasan sa kanya.

SINIPA, DAHIL LOYAL

KAY MAYOR LIM?

MAY isa pang kaso na nagpalabas umano ng cease and desist order si Payad laban sa isang incumbent barangay officials sa Binondo dahil sa pagiging loyal kay Mayor Alfredo Lim.

Inalis sa puwesto ni Payad ang naturang barangay officials, ilang araw bago ang kampanyahan ng barangay election at pinaupo ang first Kagawad na kaalyado ng kanyang amo!

***

TEKA, sabi ni Presidente Erap, wala nang poli-politika ngayon sa Maynila, wala nang kulay-kulay, dapat magkaisa upang mapaunlad ang Lungsod.

E, bakit sinusuway ni Payad ang utos ni Presidente Erap? Bakit patuloy na namomolitika si Payad? At bakit pati  pangalan ni Mayor Lim ay kinakaladkad sa kanyang “kabobohan?!

E, kung ikaw kaya ang kaladkarin namin sa ilog Pasig?! Pwee!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 0932-3214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes, Martes at Huwebes

Chairwoman Ligaya V. Santos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …