MULA pagkabata ay kinilala natin ang pagboto bilang sagradong karapatan ng isang mamamayan.
Ito kasi ang pagkakataon para iluklok sa pwesto ang inaakala nating makapaglilingkod sa mamamayan bilang public servant.
Gaya ngayon (Oktubre 28), pipiliin natin ang mga bagong opisyal ng barangay, ang batayang yunit ng lokal na pamahalaan sa ating mga komunidad.
Marami ang nagsasabi na “barangay election lang ‘yan.”
Pero gaya ng iba pang election na ginaganap sa ating bansa, krusyal din ang papel nito sa pagpapanday ng ating komunidad.
Nakasalalay sa bawat barangay ang katiwasayan, kaayusan at pag-unlad ng isang komunidad.
Sa bawat komunidad, lalo na sa mga lugar kung saan naninirahan ang mga kababayan natin na araw-araw ay nagsisikhay upang mabuhay dahil ang trabaho nila ay kakarampot ang kita, naroroon rin ang maraming problema gaya ng peace and order. Talamak ang illegal na droga, video karera, bookies ng karera ng kabayo, illegal terminal, at iba pa.
Kung nasaan ang mahihirap na komunidad, s’yempre naroroon din ang talamak na problema sa kalusugan at edukasyon, kawalan ng trabaho, maagang pagtatrabaho ng mga menor de edad dahil wala ngang trabaho kung sino ang nakatatanda sa pamilya.
‘Yan po ang larawan ng mahihirap na komunidad sa bansa, at aminin natin sa hindi, sila ang higit na nangangailangan ng serbisyo mula sa barangay officials.
Kaya ngayon araw po, maging MATALINO sa PAGBOTO. Iboto ninyo ang mga taong tunay na magseserbisyo. Hindi ‘yung magsasamantala. Iboto ninyo ‘yung mga magtatanggol sa inyo, hindi ‘yung mga nananakot at nandarahas sa komunidad ninyo.
Higit sa lahat, huwag ninyong iboto ang mga patong sa droga, sa illegal gambling , nangingikil sa mga vendor at higit sa lahat ‘yung mga walang gagawin sa inyong komunidad.
Kung may mag-aabot ng pera, tanggapin! Pero mas lalong huwag ninyong iboto dahil ang ibig sabihin n’yan ay hindi na sila magseserbisyo dahil binili na nila ang boto ninyo.
Inuulit ko, MAGING MATALINO sa inyong pagboto!
Good luck po sa lahat ng mga kandidatong TOTOONG magseserbisyo sa Barangay!
TIANGGE AT ON-LINE SELLING NAKAKALUSOT SA BIR?!
HINAHABOL daw ngayon ng Bureau of Internal Revenues (BIR) ang mga TIANGGE na lumalakas tuwing malapit na ang Kapaskuhan.
‘Yang mga tiangge-tiange na ‘yan ‘e sila po ‘yung mga nagtitinda nang walang resibo.
Actually, maliit lang din ang po ang kinikita ng iba d’yan. Pero ang kumikita nang milyon-milyon d’yan ay ‘yung mga ORGANIZER.
Nagbabayad ba sila ng tamang buwis sa BIR?!
‘Yung mga ON-LINE SHOPPING lalo na ng mga signature bags and other apparel, nagbabayad ba sila ng tax sa BIR?!
Ang dami n’yan sa social site gaya ng facebook at Instagram.
Madam Kim Henares, marami kayong dapat habulin … huwag ninyong katutukan ang Bureau of Customs dahil may mga tao naman na nakatalaga d’yan para asikasuhin ‘yan.
Hindi natin sinasabing patigilin ninyo ang ganyang mga negosyo o aktibidad, kundi gumawa kayo ng sistema kung paano ninyo sila pagbabayarin ng buwis.
Para maging parehas naman sa ibang hinahabol at pinagbabayad n’yo ng buwis.
Isama na rin nyo si Ma’am Arlene!
‘Yun lang po Madam Kim.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com