Wednesday , November 13 2024

Aksyon ng DSWD vs Freddie Aguilar aprub sa Palasyo

SUPORTADO ng Palasyo ang pagpasok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa isyu ng paki-kipagrelasyon ng 60-anyos singer na si Freddie Aguilar sa 16-anyos dalagita.

“Lahat naman po ng pagkilos ng mga ahensya ay sang-ayon sa pangkalahatang direksyon ng pambansang pamahalaan,” sabi ni Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma, Jr.

Ayon kay Coloma, ang sinusunod na proseso ng DSWD sa paghawak sa usapin ay dialogue dahil may pagkasensitibo ang isyu.

“Ang kanilang sinabi, the DSWD is reaching out to counsel the parents and the person concerned, ang minor na sangkot dito. Dagdag niya (Soliman), we are trying to reach out to Mr. Aguilar; we are mandated by law to protect minors. We are mandated by law to protect minors but we are approaching this with sensitivity, so dialogue is the mode,” sabi ni Coloma.

Kailangan aniyang maunawaan ng publiko ang papel ng DSWD, na kasama sa mandato ng ahensya na bigyan ng proteksyon ang mga menor-de-edad kaya dapat kausapin ang lahat ng apektado sa naturang usapin.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *