Wednesday , November 13 2024

2 karnaper todas sa shootout

DALAWANG hinihinalang karnaper ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga opera-tiba ng Quezon City Police District, Novaliches Police Station 4, matapos tangayin ang isang motorsiklo kahapon ng mada-ling araw sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Supt. Norberto Babagay, PS 4 chief, kay Chief Supt. Richard Albano, QCPD Director, patuloy pa rin inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay na suspek habang ang biktimang inagawan ng motorsiklo ay si Bayani Marasigan ng Marianito St., Gulod, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Babagay, dakong 12:30 a.m., habang nakahimpil ang biktima lulan ng kanyang motorsiklong Honda wave, ilan metro ang layo sa kanilang bahay, tinutukan ng baril ng isa sa mga suspek si Marasigan at saka inagaw sa kanya ang motorsiklo.

Pagkaraan ay agad naman ipinaalam ni Marasigan ang insidente sa pulisya.

Mabilis na idinispatsa ni Babagay ang kanyang mga tauhan para magsagawa ng Oplan Sita sa mga lugar na maaaring da-anan ng dalawang suspek.

Nang maispatan ng mga ope-ratiba ang mga suspek, kanilang pinatabi ngunit imbes huminto ay pinaputukan sila ngunit walang tinamaan.

Dahil dito, napilitang paputukan din ng mga operatiba ang dalawang suspek na nagresulta ng kanilang kamatayan.

Ilang minuto ang nakalipas, dumating ang biktima kasama ang ilang pulis at kanyang kinilala ang dalawang suspek na nang-agaw ng motorsiklo sa kanya.(ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

CICC GCash

CICC tutok sa Unauthorized fund transfer ng GCash

HINDI kontento ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa paliwanag ng GCash na system …

GCash

Pinaghirapang pera ng GCash users dapat ibalik — Kiko

MABUTING tiyakin ng gobyerno na maibabalik sa lalong madaling panahon ang pinaghirapang pera ng ating …

CREATE MORE Law

Mas maraming trabaho sa Pinoy sa pagpasok ng foreign investment tiniyak sa CREATE MORE Law

NANINIWALA sina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na magreresulta sa paglikha ng maraming trabaho …

Carlwyn Baldo

Daraga Mayor Carlwyn Baldo, isinugod sa pribadong ospital

ISINUGOD sa isang ospital sa Bonifacio Global City si Daraga Mayor Carlwyn Baldo mula sa …

111324 Hataw Frontpage

Sa ikatlo at huling pagbasa
NATURAL GAS BILL APRUB SA SENADO

“INAASAHAN naming makikita ang mga benepisyo ng panukalang ito, hindi bukas o sa katapusan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *