PAANO makahihikayat nang malakas na feng shui chi o feng shui energy patungo sa bahay o opisina?
Ang paghikayat nang malakas na Chi, o feng shui energy patungo sa bahay o opisina ang pinakamahalaga. Ang malakas at masiglang daloy ng Chi patungo sa bahay o opisina ang magpapanatiling malakas ng iyong personal na enerhiya, na tutulong sa iyo sa pag-focus at matamo ang ano mang iyong hangarin para sa iyong sarili.
Narito ang tatlong madaling feng shui steps.
*Pagbutihin ang outside feng shui energy ng inyong bahay. Ayon sa classical feng shui masters, kung ang kalidad ng outside chi sa paligid ng bahay ay napakahina, walang saysay sa pagsisikap na makabuo ng good feng shui sa loob ng bahay.
Kaya ang unang hakbang na dapat gawin ay masusing pag-aralan ang labas ng inyong bahay, at suriin kung iyong matutukoy ang ano mang pinagmumulan ng negatibo o low Chi.
• Maghikayat nang malakas na feng shui energy patungo sa iyong front door. Kapag nagawa mo na ang iyong makakaya sa pagpapabuti ng feng shui energy sa labas ng inyong bahay – na maaaring mula sa landsca-ping hanggang sa paglalagay ng banayad na feng shui cures sa harap ng bahay – handa ka nang maghikayat ng malakas na daloy ng Chi patungo sa inyong bahay.
Kadalasan ang pangunahing atensyon ay itinutuon sa front door, dahil dito sinasagap ng bahay ang feng shui energy nourishment. Ang front door ay tinatawag na Mouth of Chi sa dahilang ito. Kailangang magkaroon ng malakas at magandang front door upang makahikayat ng good feng shui energy.
• Tulungan ang buong bahay na mapaki-nabangan ang good chi. Kapag nagawa mo na ang lahat ng dapat gawin – napagbuti ang kalidad ng outside feng shui energy, naka-buo ng matibay na front door (Mouth of Chi), tiyaking mapakikinabangan n’yo ang lahat ng inyong mga pagsusumikap.
Tiyaking ang Chi, o feng shui energy, ay dumadaloy nang banayad sa buong bahay, at ang bawat kwarto ay mayroong kakaha-yang mapanatili at mapalakas ng good Chi.
Lady Choi