Sunday , December 22 2024

Lets Pray for our country

AKO’Y nalulungkot dahil sa mga nangyayaring trahedya na maraming namamatay dahil sa lindol at bagyo nitong nagdaang mga araw.

Hindi natin akalain na mangyayari ito pero sa isang banda ay kailangan nating ipagdasal ang mga namatay at maging matatag ang mga naiwan nila na mahal sa buhay.

Dapat sa atin ay magkaisang manalangin para sa kaligtasan ng marami.

Nakakalungkot lang dahil may sakuna na tayo yung ibang pulitiko ay ginagamit pa ito para sa kanilang mga ambisyon.

Huwag naman po sanang ganun ang inyong ginagawa dahil imbes na makatulong kayo ay gagamitin niyo pa ang mga biktima ng kalamidad para sa inyong mga political career.

Tumulong na lang po tayo ng kusa para naman lumakas ang loob ng mga biktima at huwag samantalahin ang pangyayari.

Sa aking pananaw ay dapat lahat ng mga pulitko ay tumulong ng kusa dahil may magandang balik sa inyong buhay.

Kung ano man ang ambisyon ninyo ay isantabi muna at maawa tayo sa mag kababayan nating nabiktima ng delubyo.

Sana sa pangyayaring ito ay matuto tayong magtiwala sa Diyos at laging isa-isip na di Siya natutulog at pagsubok laman ang lahat ng ito.

Kaya sa mga pamilyang naapektuhan ng delubyo ay nakikiramay ako sa inyong pinagdadaanan ngayon dahil naniniwala ako na maraming tutulong sa inyo.

Magdasal LAng po tayo at huwag mawawalan ng pag-asa sa inyong buhay at makakabangon ulit kayo.

God bless us all!

****

Congratulations sa Bureau of Customs dahil nakikita natin na wala silang tigil sa kakahuli ng mga illegal na kargamento.

Makikita natin na hindi kayo nagpapabaya sa inyong tungkulin na linisin ang smuggling sa buong bansa.

Diyan natin makikita na talagang serbisyo publiko ang inyong pinaiiral at tapat sa tungkulin.

Kaya naman kahit ano man ang inyong pinagdadaanan kayo ay sumusunod da tuwid na daan ni  Pangulong Noynoy. Mabuhay kayo!

****

Belated Happy birthday pala sa aking kaibigan na si Yeye Manaois at Atty. Fel Lagmay.

Ito ang mga taong masisipag at tapat maglingkod sa bayan at laging sumusunod sa tuwid na daan ni Pnoy kagaya ng kanilang boss na si Comm. Ruffy Biazon

Sana ay maging Masaya ang inyong kaarwaan kasama ng inyong mga pamilya.

Jimmy Salgado

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *