Thursday , November 14 2024

Eleksyon sa barangay: iboto ang matitino

ELEKSYON na bukas sa barangay.

Ito na ang pinakahihintay na pagkakataon para palitan ang mga pasaway na reelectionists.

Ito na rin ang araw para maghalal ng matitinong -kandidato.

Ang mga mananalo sa eleksyong ito ay tatlong taon  magiging opisyal ng barangay, magsusulong ng mga proyekto sa komunidad, magiging sumbungan ng problema ng mga mamamayan.

Kaya napakahalagang pag-isipang maige o kilatising mabuti ang mga iboboto.

Tutal kilalang kilala nyo na rin naman ang -kumakandidato sa inyong barangay. Dahil mga kapitbahay nyo rin lang naman sila. Alam nyo na ang kanilang mga pagkatao. Kaya huwag sana kayong magkamali sa pagboto sa mga ito.

Ang mga reelectionist o nanungkulan na ng dalawang termino at walang nagawa kundi ang maghintay ng ‘honoraria’, huwag nyo nang ihalal pa.

Pero yung mga kinakitaan nyo ng magandang asal at pagserbisyo, ihahal nyo uli sila…

At yung mga bagong kandidato na may magandang pagkatao at layunin sa pagserbisyo, subukan natin sila.

Ngayon palang, gumawa na kayo ng listahan ng inyong mga iboboto bukas upang sa ganun ay hindi na kayo mag-isip ng mga isusulat sa balota bukas.

Iwasan ang makipagtalo sa mga supporter, kaibigan at kamag-anak ng mga kandidato upang hindi mapag-initan.

Goodluck, mga ka-barangay!

Modus para iwas timbang ng

overloading truck sa Road 10

Email mula kay Albert Wines:

– Ang bagong modus para iwas patimbang ng -overloading na cargo truck ng Public Works & Highways (DPWH) sa Road 10 Don Bosco Tondo, Manila. May mga tao na bata bata ng pulis nakapuwesto sa kanto ng R10-Moriones na mag-aalok sa mga driver na kumanan sa Moriones at kaliwa sa Juan Luna St. para makaiwas sa timbangan ng DPWH (na ang bayad sa overloading ay P2,500) at dumaan sa Juan Luna left Pritil PCP, PS1 bago Capulong. May mga katiwaldas din ang mga Pritil PCP na civilian kungsaan bababa sa truck at iabot ng pahinante sa PCP mismo ang halagang P200. Sa daming umiiwas para lang kumita ang mga driver sa timbang, parang BIR na rin ang pulis, sabi ng driver na nakausap ko. – Albert Wines

Ayan, DPWH… alam nyo na ngayon kung paano kayo nalulusutan ng mga driver ng overloading truck? Hehe

Grabeng jueteng

sa Taal, Batangas!

– Sir Joey, pakiparating po sa pamunuan ng PNP ang grabeng jueteng dito sa Taal, Batangas. Pati po sa munisipyo at maging sa prisinto may mga nagpapataya. Harap-harapan, kasi pati mga pulis dito tumataya rin. Malaki raw kasi ang timbre ng jueteng lord sa tanggapan ng mayor at hepe ng pulis dito. Ang kawawa ang mga mananaya na umaasa ng panalo. Pati pambili ng asin naitataya pa. Dapat matigil ang mga iligal na sugal dito sa amin sa Taal. Salamat. – 0917746….

Taal Mayor Michael Montenegro at Taal Police chief Sr/Insp. Cas Eoy, baka hindi nyo pa batid ito na tila ligal na ang jueteng sa bayan nyo? Ayaw na ayaw ni DILG Sec. ng ganyan. Aksyon!

Ang walanghiyang

kolektong sa Quiapo

– Report ko po… yung nakaraan na nailathala nyo tungkol sa kolektor ng gagong “Jimboy” po ng Plaza Miranda, -Quiapo, nangongolekta na naman. Makakapal talaga ang mukha. Sana malaman ito ni Mayor Erap saka ni Col. -Anicete. Kasama pa po sa pangongolekta ang nakaunipormeng si “Tata Butch”. Grabe talaga sila! Help naman, Mayor Erap! – 0943344…

Litrato nina mayor/

congressman nasa tarpaulin

ng mga kandidato sa  Navotas

– Sir Joey, kung may oras ka para pumasyal dito sa Navotas City, ikot kalang… halos lahat ng kandidato sa barangay dito kasama sa tarpaulin si mayor at congressman. Pati barangay election dito binabraso. Grabe! – -Concerned citizen

Pag national o local elections kasi, ang mga barangay officials ang taga-kampanya ng mayor at congressman. Kaya pag eleksyon sa barangay ay ginagastusan nila ang kanilang mga “manok” sa barangay.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *