Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Napoles napapraning na?

NAPAPRANING na kaya ang tinaguriang “pork scam queen” na si Janet Napoles dahil sa  pagkakapiit sa isang silid sa Fort Sto. Domingo, Sta. Rosa, Laguna o inuusig siya ng budhi?

Mantakin ninyong ayon sa mismong mayabang niyang abogada na si Lorna Kapunan, ang pakiramdam daw ni Napoles ay may “snipers” sa labas ng kanyang silid.

“Psychological” na raw ang isyu at nag-i-imagine na ang kanyang kliyente dahil sa pagkakakulong sa kuwarto na walang bintana magdamag na wala man lang kaanak na kasama.

Kapag umaalis daw ang mga bisita nito ay kinakausap na ni Napoles ang sarili.

Noong Huwebes ay isinugod si Napoles sa ospital matapos dumaing ng sakit ng tiyan.

Ayon sa mga doktor ay may bato raw sa daanan ng ihi. Gano’n pa man ay pinabalik din naman sa Fort Sto. Domingo matapos gamutin.

Nakapiit si Napoles dahil sa kasong “serious illegal detention” na isinampa ng kanyang  kaanak at dating empleyado na si Benhur Luy. Bukod diyan ay kinasuhan din siya ng plunder ng  National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng P10-bilyon pork barrel scam. Kasama niya sa reklamo sina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla at 34 na iba pa.

Ayon sa Malacañang ay ipinauubaya na nila sa Dept. of Justice (DOJ) ang beripikasyon at desisyon kung dapat isailalim si Napoles sa hospital arrest dahil sa naganap.

Dapat kalkalin ito nang husto dahil baka gumigimik lang si Napoles. Magaling ang damuho sa pagpapaikot ng gobyerno. Alalahaning ayon sa whistleblowers ay nagawa niyang gaguhin ang gobyerno para mailipat ang pork barrel ng mga mambabatas at pondo ng Malampaya sa mga peke niyang non-government organizations (NGOs) sa loob ng maraming taon.

Sa ospital nga naman ay magbubuhay-reyna si Napoles, mga mare at pare ko, habang naka-higa at nagpapahinga sa loob ng isang silid na may air-condition, TV at ano man na kanyang kakailanganin, na parang hindi rin siya nakakulong.

Busisiin!

•••

WALANG puknat ang ginagawang pagsisikap ni MPD Station 11 Juan Luna PCP Chief Insp. Brendo Macapaz para hulihin ang mga kriminal, walisin ang bawal na sugal at tuluyang linisin ang kanyang nasasakupan.

Bandang 5:00 ng umaga noong Linggo ay isang estudyanteng naholdap ang dumulog sa tanggapan ni Macapaz. Agad inikot ni Macapaz ang paligid na kasama si SPO4 Julio Toledo at ilang operatiba hanggang makorner ang suspek na si Mariano Reyes 6:00 ng umaga. Apat na beses nang nakulong at kalalabas lang nang mangholdap gamit ang ballpen na may icepick.

Nagsagawa rin ng joint rescue operation sina Macapaz at ang Task Force Divisoria sa pamumuno ni Supt. Julius Añonuevo sa 18 menor de edad na lango sa kasisinghot ng solvent sa Binondo, na dinala nila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Arroceros.

Natuklasan din ng mga damuhong nagpa-patakbo ng video karera na hindi sila lulusot nang magsagawa si Macapaz nang sunod-sunod na raid, at kompiskahin ang pitong makina.

“Hangga’t ako ang nakaupo rito ay hinding hindi lulusot ang mga video karera. Kahit itago pa nila ang makina ay matutunton at mahuhuli ko iyan,” pagtiyak ni Macapaz.

Palakpakan!

Ruther Batuigas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …