Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot ipinosas saka niratrat (Sa Paco)

NAKAPOSAS nang pagbabarilin hanggang mapatay ng mga hindi nakilalang suspek ang lalaking tadtad  ng  tattoo sa katawan  sa Paco, Maynila iniulat kahapon.

Sa ulat ni PO3 Cris-pino S. Ocampo ng MPD homicide desk, inilarawan ang biktima na nasa 40 anyos, 5’10″ ang taas, fair  complexion, katamtaman ang katawan, tadtad ng tattoo sa katawan,  may tattoo na ‘Romeo Magleo’ sa dibdib.

Ayon kay PO3  Ocampo, dakong 8:30 ng gabi nang marinig ang sunud-sunod na putok   ng baril  sa  kahabaan ng Perez St., Barangay 674, Zone 73, District 5.

Nakita  ng mga barangay tanod sa lugar ang biktima na nakahandusay sa kalye, nakasuot ng itim na t-shirt na may mar-kang Cosac Vodka at violet na Los Angeles La-kers basketball shorts.

Sa eksaminasyon , nakita ang dalawang tama ng bala ng baril sa likod ng ulo ang biktima, isa sa kaliwang pisngi at isa sa leeg.

Ang mga suspek ay armado umano ng .9mm at kalibre .45 baril.

(leonard basilio/Daphney Ticbaen)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …