Friday , November 15 2024

Banyo sa itaas ng main door

ANG isa sa concerns na maaaring mayroon ka sa feng shui sa bago o dati nang bahay ay ang banyo sa itaas ng main entry. Dahil ang main door ay napakahalaga sa feng shui, ikokonsidera mo ba na ang bahay na ang banyo ay nasa itaas ng main door ay mayroong bad feng shui.

Una, palitan natin ang katagang “bad feng shui” sa “challenging feng shui” o “feng shui concerns.” Higit itong empowering, at higit na wasto. Maaari mong palitan ano man ang tinatawag na “bad feng shui” sitwasyon para sa mas maigi kung batid mo kung ano ang gagawin dito.

Kung ang banyo ay nasa itaas ng main door, magiging napakahalaga na pangalagaan ang good feng shui nito, dahil ang kalidad ng enerhiya na pumapasok sa pamamagitan ng main door ang dedetermina ng kalidad ng enerhiya ng bahay.

Sa maraming feng shui tips, ang banyo ang mayroong masamang reputasyon sa feng shui, ito man ay banyo sa love area, banyo sa money area, o banyo sa itaas ng bedroom.  Ang banyo ay mayroong stagnant, low energy at nasasaid na enerhiya. Gayunman, mayroon ding maraming banyo na mayroong good feng shui at excellent energy, kaya ito ay nasa punto ng pangangalaga laban sa pag-label nito.

Narito ang ilang simple ngunit malakas na feng shui tips para sa banyo sa itaas ng main door:

• Palaging pangalagaan muna ang feng shui basic: maglinis at alisin ang mga kalat bago mag-apply ng ano mang feng shui cure remedies.

• Magbuo nang matibay, solidong separasyon sa pagitan ng dalawang lugar – sa upper bathroom at sa main entrance sa ibaba nito – sa pamamagitan ng pag-focus sa bathroom flooring. Maaaring magkaroon ng deep color flooring (ang kulay ay depende sa bagua area kung saan naroroon ang banyo) o magkaroon ng good quality bathroom rug na may kaparehong kulay.

• Patatagin ang good feng shui sa banyo sa pamamagitan ng pagpapalakas sa kailangang feng shui elements at panatilihing nakasara ang pintuan ng banyo sa lahat ng oras.

• Tingnan kung maaaring magkaroon nang malakas–ibig sabihin ay strong feng shui energy at strong visual impact – lighting fixtures sa main entry, katulad ng crystal chandelier, halimbawa. Mas palalakasin nito ang dibisyon sa pagitan ng dalawang espasyo – ang main entryway at banyo sa itaas nito.

• Mag-focus sa pagpapanatili ng feng shui sa main entrance at tingnan kung maaaring i-visually heighten ang main entry space para malakas na maitaas ang enerhiya ng upper bathroom. Maaari itong gawin sa maraming décor-appropriate ways, katulad halimbawa, ng paggamit ng magandang wall paper sa mostly vertical movements/stripes, tall lamps sa console table, o malaking salamin. Suriin kung paano ilalagay ang salamin malapit sa main door.

Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *