PORMAL nang hiniling ng Department of Justice (DoJ) ang pagkansela sa pasaporte ng mga mambabatas at iba pang mga kinasuhan ng plunder sa Office of the Ombudsman kaugnay sa pork barrel scam.
Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, umaabot sa 37 katao na mga kinasuhan kabilang ang ang tatlong senador, ang ipinakakansela ng DoJ ang pasaporte.
Kasabay na rin ito ng pagpapadala ng liham ni De Lima sa DFA.
Ang mga kinasuhan ay kinabibilangan nina Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, Jingoy Estrada.
Magugunitang sa inihaing demanda, ina-akusahang tumanggap si Enrile ng kickback at komisyon mula kay Janet Lim-Napoles na aabot sa P172,834,500; si Revilla ay P224,512,500; at si Estrada ay P183,793,750.
(LEONARD BASILIO)