Wednesday , May 7 2025

P1.08-M payroll money ng DPWH Cam Norte hinoldap

NANGANGAMBA ang mga empleyado ng DPWH sa lalawigan ng Camarines Norte para sa kanilang kaligtasan matapos holdapin ng tatlong kalalakihan ang P1.08 million payroll money kahapon sa loob mismo ng compound.

Ayon sa ulat, dakong 9:30 a.m. nang mangyari ang panghoholdap, ilang minuto lamang matapos i-withdraw sa isang banko ang nasabing ha-laga.

Nagtataka ang mga tauhan ng ahensya kung bakit tila kabisado ng mga suspek ang galaw sa loob ng kanilang opisina

Sinasabing ang bag lamang na may lamang pera ang derektang kinuha ng mga kawatan habang hindi pinansin ang ibang bag na dala ng mga empleyado.

Maging ang pagkakalagay ng CCTV camera ay mistulang alam na alam ng mga suspek dahil hindi man lang nakunan ang kanilang mga mukha.

Ang sasakyan naman ng mga holdaper ay napag-alamang walang plaka kaya mahirap matunton.

About hataw tabloid

Check Also

NAIA Accident Driver

Sa trahedya sa NAIA
Driver ng SUV negatibo sa droga, alcohol

NEGATIBO ang lumabas na resulta nitong Martes, 6 Mayo, sa drug at alcohol test ng …

Erwin Tulfo

Erwin Tulfo, hataw sa bagong survey, nagpamalas ng matatag na voter base

ANIM na araw bago ang eleksiyon, patuloy na humahataw si Alyansa para sa Bagong Pilipinas …

050725 Hataw Frontpage

Menor de edad pinagtatrabaho sa illegal fish pen sa Sual  
2 CHINESE NATIONAL, 3 PINOY ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING

HATAW News Team DALAWANG Chinese national at tatlong Pinoy ang inaresto matapos iturong sangkot sa …

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *