MALAS. ‘Yan ang tawag kay Marian Rivera.Kasi naman ay hindi kumita ang Kung Fu Divas, more or less ay P32-M lang daw ang kinita nito, bagay na hindi masasabing box office hit.
Walang movie na nag-flop si Ai Ai. Most of her movies hit more than P100-M mark. Nito na lang na nagtambal sila ni Marian nakatikim ang Concert Comedy Queen ng flop na movie.
Sabi ng mga tao sa social media, walang kumitang pelikula si Marian. Her last movie was a big flop.
Well, baka pang-TV lang talaga ang beauty ni Marianita. (Actually, kay Marian, kumita pa ito dahil nga lahat ng movie niya eh, flop; kay Ai Ai, masasabing napakahina dahil sanay ang Comedy Queen na super mega hit ang mga movie—ED)
Tinawag pang bakla at nilait…
MO, NAKATIKIM NG ‘UMBAG’ KAY ERVIC
NAGPALITAN ng maaanghang na salita sina Mo Twister at Ervic Vijandre all because of the former’s swipe at Ariella Arida, ang ating panlaban sa Miss Universe contest.
Nagtaray kasi itong si Mo at nag-comment ng hindi maganda kay Arielle whose only mistake is to articulate her thought when she said na maraming Latinas ang hindi naman nakakapag-Ingles. Usap-usapan kasi sa social media ang hindi pagiging articulate ni Arriela.
“Who cares about winning the crown, I’d be more concerned that a Latin media outlet picking it up & pissing off an entire population & she gets booed on stage during the pageant. I wouldn’t be so harsh if it were a sitcom but it was a news interview about the pageant,” reaction ni Mo.
One of the few who was brave enough to confront Mo was hunk actor na si Ervic na talagang nagpatutsada sa TV host.
“Little lady boy on the move again! Now against another girl,” tweet ni Ervic.
“Guys the little lady boy needs money. #salingpusa for money. =ØÞ @djmotwister,” sabi pa ni Ervic na imbiyerna sa pagsawsaw ni Mo sa usaping may kinalaman sa Miss Universe contestant natin.
Pang-aasar ni Ervic, nag-post siya ng picture ni Mo sa Instagram account niya with this caption,” Suspended kasi ako for 5months. Wala na ako pambayad ng rent dito. #salingpusa ako sa isyu dyan pls. I need to pay the rent. =Ø-Þ @djmotwister #littleladyboy.”
“Bakla lang ang peg! Gusto yata maging beauty queen. Kulang ka sa Height teh!#littleladyboy,” walang takot na sabi ni Ervic kay Mo.
Not to be outdone, rumesbak si Mo and tweeted, ”@ervic_vijandre Eric, are these the comebacks I’m going to expect the entire time? If so, it won’t last long for you. Im sure you’ve heard this many times before from people you have conversations with, but I’m really bored with you.”
Jed, ‘di raw natatakot sa mga baguhang singer
HINDI nate-threaten si Jed Madela sa pagsulpot ng baguhang singers, mga winner ng reality based talent shows.
“To say that I am not threatened would feel naman na ‘ang yabang naman nito.’ Threatened is such a strong word, probably challenged. Ang daming magagaling ngayon. Ang daming sobrang magagaling na artists na lumalabas ngayon. We have Janiz, sina Mitoy, even the ones who didn’t win like sina Rhada. Ang galing (nila), sobrang galing. Of course, it is always like a wake-up call for artists who are in the business already na kailangan mong galingan pa kasi anybody at any time can just take your place,”esplika ni Jed sa presscon ng 10th anniversary concert niya, ang X: The Jed Madela 10th Anniversary Concert sa PICC Plenary Hall on Nov. 15.
At bakit naman mate-threaten si Jed, eh, siya kaya ang PINAKAMAGALING na male singer natin ngayon at hindi ang Gary Valenciano, Martin Nievera,Eric Santos, Christian Bautista, o Mark Bautista.
“I’m just lucky na isa ako sa mga nauna like kami nina Christian, Eric, Mark, kami ang nauna na naka-establish ng mga pangalan namin. But then it’s not reason enough for us to just sit and enjoy what we’ve worked for. Kailangang, it’s a constant process. You never stop working, you never stop learning,” mapagkumbabang sabi pa niya.
Alex Brosas