Friday , May 2 2025

Kalokohan ng Comelec

KITA mo itong katarantaduhan ng Commission on Elections…

Maglalabas sila ng desisyon sa mga kasong nakasampa noong 2010 Barangay election ilang araw na lang eleksyon na uli.

Katulad nitong kaso ni Ruth Palma ng Barangay 128 Zone 10 (Smokey Mountain, Tondo, District 1 ng Manila). Nang matalo siya noong 2010 election ng apat na boto sa mahigpit na katunggaling si Sigfred Hernane (umupong tserman) ay  nag-file siya ng protesta sa MTC, Branch 2. Nang magkaroon ng recount sa korte ay nanalo siya ng dalawang (2) boto. Kaya umapela siya sa Comelec noong May 12, 2011 na may case number EAC (Brgy-SK) No. 176-2011.

Oktubre 6, 2011, sa pagdinig ng First Division ng Comelec,  lumabas na si Palma ay panalo ng dalawang boto. Dahil sa “tie-up” na umano ang boto nila ni Hernane ay inatasan sila ng Comelec na mag-‘drawing of lots’ o mag-‘toss coin’ na lang. Pero kapwa sila ‘di pumayag. Kaya ang kanilang kaso ay iniakyat sa Comelec enbanc.

December 7, 2012, humiling si Palma ng ‘early resolution’ para mapabilis ang pagdesisyon ng enbanc at mabigyan na ng resolusyon ang naturang kaso. Pero lumabas lamang ang desisyon nitong Oktubre 23, 2013, na si Palma talaga ang panalo at siya ang dapat na tserman mula 2010-2013. E limang araw na lang eleksyon na naman sa barangay. Mae-enjoy pa ba ng tunay na nanalong tserman ng Brgy. 128 ang pagiging kapitana niya e kampanyahan na naman ngayon sa eleksyon sa barangay sa Oktubre 28?

Kalokohan talaga ‘yan ng Comelec. Madalas nila itong gawin. Naglalabas sila ng desisyon o resolusyon sa mga nakasampang protesta ilang araw bago mag-eleksyon na naman.

Naalala ko tuloy ‘yung kaso ng isang kongresista sa Rizal. Nagsampa siya ng kaso ng pandaraya pagkatapos ng -eleksyon. Lumabas ang resolusyon ng Comelec na panalo siya, tatlong linggo na lang at eleksyon na naman. -Makakakuha pa ba ‘yun ng pork barrel? Hahaha…

Hindi lang ‘yun, marami nang ginawang resolusyon ang Comelec na inilalabas nila ilang araw na lang eleksyon na naman. Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Iboto si Benito “Gong” Tan

para tserman

ng Brgy. 248 (District 2, Manila)

Ang ating mahusay na kaibigang Benito “Gong” Tan ng Brgy.  248 Zone 22, District 2 ng Manila ay gustong magserbisyo sa kanilang barangay. Kandidato siya sa pagka-tserman ngayon darating na eleksyon sa barangay. Mahusay na tao si Gong. Madaling lapitan at tiyak magiging tapat siya sa panunungkulan. Kaya ini-endoso ko siya sa inyo, mga taga-Brgy. 248, na ihalal ninyo si Gong. Sagot ko soya sa inyo! Mabuhay kayong mga taga-Brgy 248, District 2, Tondo!

Kauupong hepe ng Pasay Police

ipinangongolektong na!

ANG lupit naman ng mga bata ng bagong upong hepe ng Pasay City Police na si Supt. Mich Filart. Kauupo lang ng “boss” nila e ipinangongolektong agad sa mga sugalan, putahan, vendors at shabuhan sa kanilang area of responsibility (AOR).

Ang umiikot na kolektong para sa tanggapan ni Supt. Filart ay nagngangalang “Sarhento Palatao” na taga-CIDG na “bata” naman daw ng isang C/Insp. Nino.

Nag-import pa pala ng kolektong ang tanggapan ni Supt. Filart. Hehehe…

Paging C/Supt. Uyami ng CIDG, paki-check sa rooster mo kung taga-CIDG nga ang “Sarhento Palatao” na ito.

Imbestigahan!

“Lord” Luding umarya

na naman sa Baguio

Umarya na naman ang mga kilalang jueteng lords sa bansa. Kung si Tony Santos Bolok ay nag-full blast ng jueteng operation sa Quezon City at Caloocan City, si Luding naman sa Baguio City at La Trinidad, Benguet.

Ito’y matapos na makakuha raw ng ‘permiso’ sa pamunuan ng PNP at maging sa CIDG.

Naku! Dapat makarating kay DILG Sec. Mar Rojas…

Ang koleksyon daw ng jueteng ni Bolok sa Quezon City at Caloocan City ay umaabot hanggang P8 milyon kada araw. P4.5 milyon kada buwan daw ang napupunta sa intel sa pulisya at local officials.

Samantala ang kay Luding naman ay kumokolekta ng hanggang P7 milyon kada araw. Ang P4 milyon ay napupunta naman sa intel.

Chief PNP Alan Purisima at CIDG Chief Uyami, mga Sir, tanggapan n’yo ang gamit ng mga umiikot sa naturang jueteng lords!

Imbestigahan!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: joey_pulis@yahoo.com

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Makato Aklan

Barangay leaders sa Aklan naghain ng DQ vs vote buying

DALAWANG barangay captain mula Makato, Aklan ang naghain ng petition for disqualification sa Commission on …

3-araw Graffiti Mural Arts Festival tagumpay sa Taguig

3-araw ‘Graffiti Mural Arts Festival’ tagumpay sa Taguig

MATAGUMPAY na nairaos ng lungsod ng Taguig ang ikatlong taon ng Meeting of Styles (MOS) …

050125 Hataw Frontpage

Cagayan De Oro Mayor Klarex Uy kinuwestiyon sa P330-M cash advances

HATAW News Team ‘UNDER HOT WATER’ si Cagayan de Oro Mayor Klarex Uy matapos ireklamo …

Bong Revilla

Bong Revilla nakipamuhay sa Mindanao panalo tiniyak sa makasaysayang baluwarte

SA LOOB ng dalawang linggo bago ang midterm elections ngayong Mayo 2025, muling pinatunayan ni …

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *