PAANO malalaman kung ang garden ay may good feng shui?
Ang good feng shui sa garden ay makatutulong sa paghikayat sa nourishing, high quality feng shui energy patungo sa iyong bahay, gayundin din ng tuwa sa lahat ng iyong panamdam.
Madali lamang malaman kung ang garden ay may good feng shui o wala. Ano ba ang iyong nararamdaman sa inyong garden? Pakiramdam mo ba ay nais mong manatili nang matagal doon? Nagagandahan ka ba rito?
Mainam ang pakiramdam kung may good feng shui sa garden, opisina o bahay.
Madali kang makakonekta sa kalidad ng enerhiya sa ano mang lugar sa pamamagitan ng pagkonekta sa iyong nararamdaman dito.
Sa punto ng good feng shui garden, ang sukat ng iyong garden ay hindi pangunahing criteria. Kung mayroon ka lamang maliit na lugar, maaari ka pa ring magbuo ng good feng shui sa iyong garden.
Kailangan mong alamin ang Bagua, o energy map ng iyong bahay, dahil ang iyong garden ay extension ng iyong home Bagua.
Mula rito, maaari kang pumili ng mga kulay, hugis at iba pang mga elemento upang mapalakas ang enerhiya sa garden.
Lady Choi